^

PSN Showbiz

Kung noon isang kaway lang limpak-limpak na ang katapat guwapong aktor effort na effort sa paglalako ng sarili para magkaraket

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung gaano siya kabenta nu’ng kasagsagan ng kanyang kasikatan ay ganito naman katumal ngayon ang raket ng isang guwapong aktor. Siya ang tumatanggi nu’n sa mga proyekto dahil hindi na kaya ng kanyang schedule pero ngayon ay siya naman ang tinatanggihan ng mga prodyuser.

Ganu’n talaga ang buhay ng mga artista, hindi ipinangangako sa kanila ang bukas, walang kasiguruhan ang kanilang kapalaran dahil weder-weder nga lang ang katanyagan.

Kuwento ng isang source, “Halos ibilao na niya ang sarili niya ngayon para magka-project lang siya, pero inaalat siya, walang kumukuha sa serbisyo niya.

“Kahit sa mga shows, matumal ang raket niya, samantalang nu’ng kasikatan niya, isang kaway at isang kanta lang niya sa mga fiesta, datung na malaki na!

“Guwapo pa rin siya, kilala pa rin siya, pero siyempre, kesa sa siya ang kunin ng mga show pro­moters, e, mga artistang sikat na ngayon ang kukunin nila. Hindi naman sa laos na siya, mas inire-request lang talaga ng audience ang mga sikat na artista ngayon kesa sa mga sumikat na artista nu’n,” komento ng aming impormante.

Mistulang manager na rin ng kanyang sarili ngayon ang dating sikat na aktor, may humahawak naman sa kanyang career, pero personal pa rin siyang tumatawag sa mga show promoters para bigyan siya ng raket.

Ganu’n talaga ang pag-aartista, walang pinanghahawakan ang mga personalidad, araw-gabi man silang magdasal na bumalik ang dating bango ng kanilang pangalan ay kailangan nilang tanggapin na weder-weder lang ‘yan.

Ubos!

Pagdalaw ni Kris sa Camp Bagong Diwa binigyan ng panget na interpretasyon

Matagal-tagal na pana­hon na rin kaming hindi lu­mu­luha-humihikbi dahil sa pagkamatay ng mga Pilipinong hindi namin direktang kadugo. Ni isang patak ay wala, pero ang lung­kot at pakikidalamhati ay sagad hanggang sa buto, pinakamatigas mang puso ay hindi maaaring hindi lumambot habang marespetong ipinaparada ang mahigit na apatnapung bangkay ng mga minasaker na pulis kamakailan sa Maguindanao.

Pero ang pakikisimpatya ay nahaluan ng galit, habang sinasaluduhan kasi ng mga opisyal ng ating pamahalaan at pamartsang buhat-buhat ng mga pulis ang mga namatay nilang kahanay ay lumantad ang balita na ang Pangulong Noynoy Aquino ay nasa Sta. Rosa lang pala na hindi kalayuan sa Villamor Air Base, dumalo sa paglulunsad ng mga bagong pro­dukto ng isang car factory.

Napakainsensitibong senaryo, ang itinutu­ring na tatay ng mga namatay na pulis, mas inuna pa ang pakikipagbungguang-siko sa mga kapitalista kesa sa magpakita ng simbolikong pakikiramay sa kalunus-lunos na inabot ng mga miyembro ng PNP-SAF.

Buong hapon ng Huwebes ay naglabas ng sa­lo­o­bin sa social media ang ating mga kababayan, masasakit na salita ang ipinakain ng mga Pinoy kay P-Noy, tinawag siyang pangulong walang backbone at anak na nangwasak sa ma­gandang kasaysayang iniwanan ng kanyang ama.

Kahapon nang madaling-araw ay dumating sa Camp Bagong-Diwa si Kris Aquino, alam daw ni P-Noy ang kanyang pagdalaw sa mga labi ng mga namatay na pulis, personal daw itong dumalaw dahil ramdam ng aktres ang sakit na dinanas din ng kanilang pamilya nang mawala ang kanilang ama sa marahas na paraan.

Agad na nagbigay ng reaksiyon ang mga kababayan natin sa pagdalaw ni Kris, isang malinaw na pagpapalambot lang ‘yun sa nagngingitngit na kalooban ng mga naulila sa kanyang kapatid na pangulo, sa halip na mapaganda ay binigyan pa ng hindi kagandahang interpretasyon ang pagdalaw ni Kris sa mga bangkay.

At madaling maunawaan ang emosyon ng ating mga kababayan. Pagkatapos sabihin ng tagapagsalita ng Palasyo na wala raw sa schedule ni P-Noy ang pagpunta sa Villamor Air Base para salubungin at magbigay-respeto sa mga labi ng mga nangalipol na pulis, ganu’n na lang ‘yun?

Insensitibo. Napakawalang-puso. Pinalaki, inalagaan, pinag-aral at minahal. Ano’ng akala ng mga kapos sa respetong ‘yan, ang tao ay parang manok lang na pagkatapos alagaan at palakihin ay papatayin lang pala kapag may okasyon?

vuukle comment

LANG

LEFT

P-NOY

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with