^

PSN Showbiz

Dahil sa mga diet pills na nilalaklak maganda at mahusay na aktres parang amoy bulok na daga ang hininga!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Rebelasyon ng isang kasama sa panulat ang kuwentong ito. Bida sa istorya ang isang magandang aktres na hindi na masyadong bata pero hindi pa rin naman katandaan.

Pero nagsimula siya sa pagiging bagets actress. Nabigyan siya ng magagandang proyekto sa isang malaking network, lumutang ang husay niya sa pag-arte, sa isang teleserye ay nagmarka pa nga ang kanyang role.

May kamiting ang reporter sa lobby coffee shop ng isang five-star hotel. May kasama namang kaibigan ang magaling na aktres, kinawayan niya ang reporter na agad namang nagpunta sa kanyang mesa.

Nagkabalitaan sila, masayang-masaya ang aktres sa kanilang pagkikita, pero ang reporter ay parang naging asiwa. Meron itong kakaibang naamoy nang mag-usap na sila nang malapitan. Isang amoy na maisip pa lang nito ngayon ay parang sumasakit na ang kanyang ulo. Hindi malilimutan ng reporter ang ganu’ng klaseng amoy.

Rebelasyon ng aming kasamahan sa hanapbuhay, “!#$”%&?1/ na! Nu’n lang ako nakaamoy ng ganu’n kabahong hininga! Parang amoy jebs ‘yun na parang amoy bulok na daga! Napakabaho talaga!

“Siya lang ang puwedeng pagmulan nu’n dahil mabango ang paligid, alangan namang ako, e, wala naman akong bad breath? Super-baho talaga ng hininga niya, kundi lang nakakahiya sa ibang guests sa hotel, e, gusto ko nang masuka!

“Buung-buo naman ang mga ngipin niya, pero bakit ganu’n kabaho ang hininga niya? Nalaman ko na marami pala siyang iniinom na diet pills, nakakaapekto pala ‘yun sa bituka, bumabaho ang hininga ng nagte-take!” mahabang kuwento ng aming kaibigan-kasama sa trabaho.

Sa isang presscon ay kinawayan na naman ng maganda at mahusay na aktres ang reporter, nakipagkawayan na lang ito sa kanya at hindi na lumapit, “Ayoko nang ma-experience ang naamoy ko nu’n! Hindi na kakayanin ng powers ko, suko na ako sa kabahuan ng hininga niya!”

Ubos!

Jinkee wala sa lugar ang ‘pagyayabang’ ng mga milyones na kagamitan

Maraming pumapansin sa ginagawang pagpo-post ni Mrs. Jinkee Pacquiao sa kanyang mga branded stuff. Maraming hindi nagagandahan sa kanyang ginagawa dahil inilalabas ‘yun ng misis ni Pacman sa isang panahong maraming kababayan natin ang nagugutom dahil sa sunud-sunod na kalamidad.

Kaligayahan na nga sigurong maituturing para kay Jinkee ang ilabas ang kanyang mga kagamitang milyon ang halaga. Bakit nga naman hindi, wala naman siyang inaabalang ibang tao sa kanyang mga kapritso dahil perang pinaghihirapan ng kanyang asawang boksingero ang ipinambibili niya nu’n.

Bags, sapatos, relo, mga damit, magsabi kayo ng brand na milyon ang halaga at meron nu’n ang misis ni Pacman. Siya ang paksa nu’ng minsan sa birthday party ng isang negosyanteng bukod na pinagpala.

Kilala ito sa lipunan pero low key, hindi nito ipinagmamalaki ang kung anumang meron ang kanyang pamilya, tahimik lang ang mga ito tungkol sa kanilang pagkabilyonaryo.

Komento ng isang mukhang donyang nasa party, “It only shows one thing. Ngayon lang siya nagkaroon ng mga branded stuff, kaya siya ganyan.”

Dati nga naman kasi ay walang pambili nu’n ang misis ni Pacman kaya ngayong umaapaw na ang kanilang kayamanan ay sinasamantala lang niya ang pagkakataon.

Maraming nagkokomento na may tamang panahon ang bawat bagay. Hindi masamang ipagmalaki ang ating kaginhawahan pero sana’y itiyempo ‘yun sa panahong walang masasabi ang iba dahil laganap ang kahirapan sa ating bayan.

 

vuukle comment

ISANG

JINKEE

KANYANG

LANG

MARAMING

NIYA

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with