^

PSN Showbiz

John Lloyd maraming binusisi sa kontrata bago pinirmahan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Natuldukan na ang mga espekulasyon tungkol sa diumano’y pag-alis na ni John Lloyd Cruz sa Kapamilya network.

Noong Huwebes ay muling pumirma ang aktor ng bagong kontrata sa ABS-CBN. “Wala namang isyu talaga to begin with. Nagsabi ako before na hindi. Tumagal ang prosesong ito because nakikipag-deal ako sa iba. Actually sinabi ko din ‘yun sa mga boss ko, hindi po ganoon. Talagang medyo detalyado lang ang kontrata,” bungad ni John Lloyd.

Isang malaking karangalan daw para sa isang artista ang muling makapag-renew ng kontrata sa isang TV network. “You are talking about Charo Santos-Concio giving you advice on how to stay in the business, on how to work around it. Parang hindi lahat nabibigyan ng ganoong opportunity. I say humbling because  parang kahit na anong goal na mayroon ka, kahit anong dream mayroon ka, hindi mo siya magagawang mag-isa. So malaking bagay na kinukuha ka pa rin, pinagkakatiwalaan ka pa rin. To actually place your trust sa mga taong nagtitiwala sa iyo ay malaking bagay,” paliwanag ni John Lloyd.

Abala ngayon ang binata sa sitcom na Home Sweetie Home kung saan katambal ni John Lloyd si Toni Gonzaga. Bukod dito ay maraming proyekto pa raw ang nakatakdang gawin ang aktor na nakasaad sa kanyang kontratang pinirmahan. “Ang daming exciting na proyektong nasa paligid ko, nakaka-excite. Sa experience din natin, iingatan mo rin ang excitement ng fans. Madalas may mababanggit tayo, maghihintay, tapos wala naman pala. Ito parang sinasabi ko lang ay overview ng pwedeng mangyari in the next three years,” makahulugang pagbabahagi ng aktor.

Xian nagsalita na kung bakit tinanggal sa serye nina Jericho at Maja

Nilinaw ni Xian Lim ang napabalitang sadyang tinanggal daw siya sa teleseryeng Bridges dahil hindi raw nito kayang makipagsabayan sa pag-arte kina Maja Salvador at Jericho Rosales. Si Paulo Avelino na ang ipinalit sa karakter na dapat ay kay Xian. “It’s really a management decision because they really want to bring back the KimXi (Kim Chiu-Xian) tandem. Ako po, I’m just following instructions. Masaya ako na ibabalik po nila ‘yung KimXi tandem. It’s just part of our work,” nakangiting pahayag ng aktor.

Nasaktan kaya si Xian sa nasabing isyu? “Rumors are always going to be there. It’s something that we cannot take away, but what we can do is probably just ignore it and not be affected by it,” sagot ng binata.

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Xian noong unang kinumpirma na makakasama niya sina Jericho at Maja sa bagong proyekto. Ayon pa sa aktor ay masaya at excited siya na makatrabaho ang dalawa dahil sa pagiging magaling na artista ng mga ito. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

CHARO SANTOS-CONCIO

HOME SWEETIE HOME

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

KIM CHIU-XIAN

MAJA

MAJA SALVADOR

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with