^

PSN Showbiz

Mukhang mahal pa rin ang ex Andi panakip butas lang si Brent?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Mukhang nasaktan nang matindi si Andi Eigenmann sa pagkakaroon ng bagong kasintahan ng kanyang dating nob­yong si Jake Ejercito, binatang anak ng dating pangulo at ngayo’y mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Andi na mismo ang nagpahayag na malabo na umanong mag­kabalikan sila ni Jake na bukas na sa kanyang relasyon sa ba­gong kasintahan na si KC del Rosario.

Si Andi naman ay nali-link nga­yon sa baguhang aktor na si Brent Jackson.

Carla at Tom ipinagsisigawan na ang relasyon?!

Hindi na puwedeng itago ang relasyon ngayon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez kahit wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

Sina Carla at Tom ay magkasamang dumating sa cele­brity screening ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na Shake, Rattle & Roll XV kamakailan lamang na ginanap sa SM Megamall. Si Carla ay kasama sa nasabing horror mo­vie ng Regal Films habang si Tom ay nasa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin movie na isa rin sa mga kalahok ng MMFF.

Ang special friendship nina Carla at Tom ay nagsimula sa set ng dating hit TV series nila sa GMA, ang My Husband’s Lover at maging sa ilang pelikulang pinagsamahan nila sa bakuran ng Regal Films.

Naging nobyo ni Carla ang binata ng actress-director na si Gina Alajar, si Geoff Eigenmann.

Niño umaming mas makulit si Alonzo sa kanya

Natutuwa ang dating “child wonder” na si Niño Muhlach sa kanyang four-year-old son na si Alonzo Muhlach na unti-unting sumusunod sa kanyang mga yapak.

Kasi mismo si Niño ay nagugulat sa pagi­ging sobrang bibo ng anak. Pero inamin ng dating child superstar na hindi umano siya kasing kulit ni Alonzo.

Two and a half years old lamang noon si Niño nang siya’y magsimula sa showbiz habang four years old naman si Alonzo pero napakalaki ng pagkakahawig ng mag-ama nung kasing edad pa lamang noon niya ang kanyang bunsong anak.

Kung naging masinop noon ang ama ni Niño na si Alex Muhlach sa mga kinikita ng anak bilang child superstar, gusto itong gayahin ng actor-director sa kanyang anak na si Alonzo.

Ang mag-amang Niño at Alonzo ay magkasama sa Prinsesa episode ng My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon at isa sa mga opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbubukas sa mga sinehan simula sa araw ng Pasko, December 25.

vuukle comment

ALEX MUHLACH

ALONZO

ALONZO MUHLACH

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

CARLA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

REGAL FILMS

SI ANDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with