^

PSN Showbiz

Ara nanay na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations sa bagong mga magulang na sina Mayor Patrick Meneses at Ara Mina sa kanilang first baby na pinangalanan nilang si Amanda Gabrielle Meneses.           

Nagsilang si Ara ng malusog na baby girl na may timbang na 7.4 pounds.

Tuwang-tuwa si Ara sa pagsagot sa mga bumabati sa kanya. Sinasabi niya sa mga ilang kaibigang excited na siyang maging mommy sa kanyang anak.

Kahit si Mayor Patrick ay proud na proud ding nag-post sa kanyang Instagram sa kanyang napaka-cute na baby girl.

PAK: “Mommyger” ang tawag ni AiAi delas Alas sa sarili pagkatapos niyang pinapirma ng kontrata ang anak niyang si Sancho Vito na ang screen name ay magiging Sancho delas Alas.

Sabi ni AiAi ang peg daw talaga niya sa pagiging manager ay si Annabelle Rama pero one fourth lang daw. Siya kasi ang co-manager ng GMA Artists Center na magha-handle sa career ni Sancho, at pagkatapos ng contract-signing kahapon, talagang nagsimula nang mangulit si AiAai sa ilang executives na isali na ang kanyang anak.

Kung si AiAi ang masusunod, gusto raw sana niyang maging serious actor si Sancho o kaya sa action. “Yung mala-Brad Pitt ang dating,” natatawang sagot ni AiAi. Pero puwede rin daw mag-comedy dahil ang dream talaga ni Sancho ay makatrabaho si Michael V.

BOOM: Deretso na ang sagot ni Andi Eigenmann sa presscon ng pelikula niyang Tragic Theater na ayaw na raw niya munang ma-in love sa ngayon pagkatapos ng break-up nila ni Jake Ejercito.

Noon pa raw niya nalaman ang tungkol kay KC del Rosario at kay Jake at tapos na raw ‘yun.

Hindi na rin siya nagpapaapekto sa mga nagba-bash at nanlalait sa kanya at sinasabihan siyang mataba.

Sagot ni Andi: “Personally, I think there are many other things to worry about in this world than my weight.

“I really don’t care about what other people say about me because they don’t really know who I am.

“What the people around me, those who love me and support me matters what they say.”

 

vuukle comment

AMANDA GABRIELLE MENESES

ANDI EIGENMANN

ANNABELLE RAMA

ARA MINA

ARTISTS CENTER

BRAD PITT

JAKE EJERCITO

MAYOR PATRICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with