^

PSN Showbiz

Sarah gusto na uling magkaanak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isa sa dahilan kung bakit minahal nang husto ni Dingdong Dantes si Marian Rivera ay dahil sa sarap magluto ng GMA Primetime Queen.

Ngayong umaga sa Sarap Diva ay tutulu­ngan ni Dingdong si Regine Velasquez (ang future ninang niya sa kasal) kung paano maghanda ng kakaibang recipe ng balut.

Ibabahagi na rin ni Dingdong ang mga preparation niya sa nalalapit na kasal nila ni Marian.

PAK: Nakakaintriga ang pagdagdag ng timbang ni Sarah Lahbati nang mag-guest ito sa Celebrity Bluff kamakailan lang. Kapansin-pansin pa ang paglaki ng puson niya.

Biniro pa ito ni Ruffa Gutierrez sa It Takes Gutz to be Gutierrez na buntis dahil sa pagkahilig niya sa matatamis. Pero binawi na rin ni Ruffa nang nakatsikahan namin sa launch ng Appefize.

“Ayun na nga! Biglang nagkaroon na nga, kaya ‘di siya preggy. Delayed lang daw siya ng ilang weeks,” natatawang kuwento ni Ruffa.

Pero alam daw niya gusto ni Sarah na mabuntis uli kay Richard Gutierrez  at gusto raw nito ng kambal. Kaya, wala naman daw problema kung sakaling gusto nitong mabuntis uli.

BOOM: Ginagawang biruan na lang ni Vic Sotto ang mga sagot nito kapag tungkol sa planong kasalan nila ni Pauleen Luna ang mga tanong.

Sa presscon ng My Big Bossing ay mariing pinabulaanan ni Pauleen na kinausap na raw ni Bos­sing Vic ang mga magulang ng aktres para sa plano nilang magpakasal.

“Wala pong usapan na ganun. That’s pure tsismis,” pakli ni Pauleen.

“Ewan ko ba bakit sila naiinip,” singit ni Bossing Vic.

“Kung ano ang usapan na­ming dalawa, sa aming dalawa lang ‘yun. Magaan sa amin, at walang pressure,” dagdag pa nito.

Pati raw si Dina Bonnevie ay nagsalitang boto siya kay Pauleen para sa dating asawa.

“That’s nice to know. Natutuwa ako kasi coming from his ex, siyempre, it’s very nice to know,” reaksyon naman ni Pauleen.

vuukle comment

BOSSING VIC

CELEBRITY BLUFF

DINA BONNEVIE

DINGDONG DANTES

IT TAKES GUTZ

MARIAN RIVERA

MY BIG BOSSING

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with