^

PSN Showbiz

Pangarap ni Coco tinupad ni Kris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Abala na si Coco Martin para sa pelikulang Feng Shui na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Kapaskuhan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho ng aktor sina Chito Roño at Kris Aquino.

“Nakakatuwa kasi first time naming magkatrabaho. Nakakatuwa kasi ‘yung suporta na binibigay nila sa akin,” bungad ni Coco. Para sa aktor ay isang masayang karanasan ang makasama ang Queen of All Media sa isang proyekto. “Masaya, kasi maraming magandang advice ang itinuturo niya sa akin. Lalung-lalo na sa business, sa personal na buhay, napakarami kong natutunan sa kanya,” pagbabahagi ni Coco.

Nakararamdam na ng pressure ang aktor dahil tumabo nang husto sa takilya ang orihinal na Feng Shui, isang dekada na ang nakalilipas.

“Siyempre hindi naman po maaalis sa amin ‘yun. Kaya ko ni-request kay Ate Kris at hindi ako nakapagpigil sa kanya. Kasi sabi ko nga, hindi ko makakalimutan ‘yung pinanood ko ‘yung Feng Shui. Kung gaano siya kaganda, kaya sabi ko sa kanya noong nagkita kami, sabi ko, ‘Ate Kris, gawin naman natin ‘yung Feng Shui.’ Then kinausap niya si Direk Chito kaya natupad itong pangarap kong gawing pelikula,” kwento ng aktor.

Samantala, nanalo si Coco bilang Best Actor para sa teleseryeng Ikaw Lamang sa katatapos pa lamang na PMPC Star Awards for TV noong Linggo ng gabi.

Aiko kinontrata na si Jomari para maging tatay uli ng kanyang magiging anak

Masayang-masaya si Aiko Melendez sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Isa ang aktres sa mga bida ng Give Love on Christmas presents The Gift Giver na special Christmas presentation ng Kapamilya network. Pinaghandaan daw talaga ni Aiko ang nasabing proyekto. “Nagpapayat talaga ako and I’m still working on it and I’ve started my year not so good. So I think I’m ending it hopefully very, very good because nga, ang Dreamscape ay nagbigay ng opportunity na mabigyan ako ng trabaho. So hindi lang basta trabaho pero isang dekalidad, so nagpapasalamat ako,” pahayag ni Aiko.

Samantala, suportado raw ang aktres ng dating asawa nitong si Jomari Yllana sa lahat ng kanyang ginagawa ngayon. Malapit na magkaibigan ang dalawa at ayon kay Aiko ay gusto niyang muli na magkaroon ng anak kay Jomari kapag single pa rin silang pareho sa 2016. “Ayoko naman nang magkaanak sa iba naman. Sabi ko, ‘Kung sakali 40 years old na single ka at single ako, bakit hindi natin subukan na tayo na lang.’ Tinawanan na naman ako ng lolo mo at nag-wet na naman ng lips niya the Jomari Yllana acting. Sabi ko, ‘Huwag ka naman kiligin diyan.’ Sabi niya, ‘Baliw ka talaga.’ Sabi ko, ‘Di ba kaya nga mahal mo ako kasi baliw ako?’ Sabi niya sa akin, hindi naman magbabago ‘yung pagtingin niya kesahodang mag-39 ako, mag-40 years old eh mahal pa naman din niya ako,” natatawang kwento ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

AKO

ATE KRIS

BEST ACTOR

FENG SHUI

JOMARI YLLANA

NAMAN

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with