^

PSN Showbiz

Kinopya pa ang suot nang manood ng concert Carla baliw na baliw kay Katy Perry

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sobrang fan palang talaga ni Katy Perry si Carla Abellana dahil hindi na nito hinintay na mag-concert dito sa bansa. Siya na ang pumunta sa Sydney, Australia para mapanood ang concert nito. Nagpagawa pa si Carla ng costume gaya ng costume ni Katy Perry at ‘yun ang isinuot sa panonood ng concert.

Ang ina at kapatid ang kasama ni Carla na lumipad pa-Australia at hindi nakasama si Tom Rodriguez. Matagal pinaghandaan ni Carla ang concert ni Katy Perry, siya mismo ang nag-asikaso nang booking ng trip nila.

Iya papalitan si Isabelle sa Taste Buddies

Tama ba ang narinig namin na si Iya Villania ang papalit kay Isabelle Daza na co-host ni Solenn Heussaff sa Taste Buddies ng GMA News TV? Ang tsika pa nga, malapit nang mag-taping si Iya sa show, kaya malapit na rin siyang mapanood.

Isa lang ang Taste Buddies sa apat na shows na gagawin ni Iya sa GMA-7 at kasama rito ang isang reality show, two soaps in one year at Sunday All Stars.

Kaya lang, hindi pa yata puwedeng ikuwento ni Iya ang tungkol sa mga gagawing shows sa GMA-7 dahil sa contract signing at launching niya bilang endorser ng RedoxFat ng ATC Healthcare, sinabi niyang abangan na lang daw.

Bagay na bagay kay Iya ang maging endorser ng RedoxFat dahil sobrang fit at sumali at nag-first place pa nga sa unang triathlon na sinalihan.

Niño nakikiusap na ‘wag silang pagkumparahin ng anak

Magkasama ang mag-amang Niño at Alonzo Muhlach sa Prinsesa episode ng My Big B­ossing, entry sa 2014 MMFF. Hindi namin kinakitaan ng insecurity si Niño nang ikuwentong ang anak lang ang bida together with Ryzza Mae Dizon dahil kontrabida ang role niya rito.

Very proud si Niño kay Alonzo na madaling matuto at lahat nang ituro niya ay mabilis nakukuha. Pero aminado siyang hindi nito maaabot ang naabot niya noong kasikatan niya na nakagawa ng 40 mo­vies na puro siya ang bida. Kaya nakiusap sa press na kung puwedeng ‘wag ikukumpara sa kanya ang anak, baka ma-pressure ang bata at hindi na i-enjoy ang showbiz.

Pinagsisihan din ni Niño na sinanay nila sa E­nglish si Alonzo dahil medyo nahihirapan ang bagets sa Tagalog. Minsan, ‘pag tinatanong ng press in Tagalog, hindi agad makasagot at tina-translate pa yata sa English ang tanong at saka sasagot.

Excited na si Alonzo sa premiere night ng My Big Bossing sa December 22 at sa parade sa Dec. 23, lalo’t kasama si Ryzza Mae.

Nikki hindi makalipat sa GMA

Nakausap namin ang talent manager na si Arnold Vegafria sa presscon ng ATC Healtcare, talents niya sina Iya Villania at Nikki Gil na kinuhang endorsers ng RedoxFat at Reducin respectively. Tinanong namin ito kung tuloy ang paglipat ni John Prats sa GMA-7 gaya sa nababalita.

Pero sabi nito, hindi totoo ang mga nasulat na aalis sa ABS-CBN at lilipat sa GMA si John. Hindi raw niya alam kung bakit may mga ganitong balita.

Pero bakit naniniwala pa rin kaming nakipag-usap sila sa GMA-7? May mga nangyari lang sigurado kaya hindi na muna o baka hindi na umalis sa ABS-CBN si John.

Malabo naman daw umalis sa ABS-CBN si Nikki para sumunod kay Iya sa GMA-7 dahil may kontrata pa ito sa Kapamilya Network.

vuukle comment

ALONZO

CARLA

GMA

IYA

KATY PERRY

TASTE BUDDIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with