^

PSN Showbiz

Lea tuloy ang pagiging OA sa The Voice

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Meron bang mas sasaya pa sa singing contest na The Voice of the Philippines? Like na like ng viewers ‘yung mga ipinakikitang emosyon ng mga coa­ches. Si Bamboo, unti-unti nang lumalabas sa kanyang shell at nagugustuhan nila ‘yung ipinamamalas niyang bagong imahe. Si apl.de.ap is slowly turning to be a Romeo among the four, ang bilis nitong ma-impress sa mga magagandang kalahok. Si Sarah Geronimo, ang daming ginulat nang turuang magsayaw ang isang contestant, mas sexy pala siya kapag nagsasayaw! At si Lea Salonga sa kanyang tinatawag na ka-OA-yan ng marami.

Cristine masaya sa pagbubuntis

Kahit na sabihin pang taped ‘yung episode ng Banana Split nu’ng Sabado, kung saan ay naging guest si Cristine Reyes, alam mo na hindi pa ‘yun gaanong katagalan dahil inamin na ng sexy actress ang kanyang pagdadalang-tao. And mind you, hindi pa gaanong malaki ang tiyan niya. Mas malaki pa ang tiyan niya sa Instagram (IG) na ipinost ni Ara Mina, pero agad ding na-delete ang nasabing picture.

Nakikita na ngang lumalabas si Cristine. Sa aura ngayon ni Cristine, hindi maitatago na masaya siya sa piling ng God-fearing na na father ng ipinagbubuntis niya.

Maraming artista itinatago pa ang relasyon

Ikinagugulat ng marami ang inamin ni Julian Estrada na pagkakaro’n nila ng relasyon ni Julia Barretto. The fact na hindi naman nagtagal ang kanilang relasyon ay isang patunay na bahagi lang ‘yun ng growth nila.

Tulad din ng ginawang pag-amin ni Rita de Guzman na nagkaro’n sila ng mutual understanding ni Alden Richards habang ginagawa nila ang One True Love. Short lived lamang ito, hindi nagtagal, at patunay na they were not meant for each other.

Hindi rin kaila sa marami na may nakaraan sina Xian Lim at Erich Gonzales. Pero hindi ito puwedeng yumabong dahil at the time ay bini-build up pa ng Kapamilya Network si Erich. No-no na magkaro’n siya ng karelasyon o maligawan man lang. Kaya kinailangan nilang mag-break ni Xian na iniyakan daw nito ng labis. Siyempre, may I deny si Erich na ngayon ay may totoo nang karelasyon.

Marami pa ring love affairs sa ating mga artista ang hanggang ngayo’y nananatiling ispekulasyon  lamang at hindi pinagsasawaang pag-usapan. Umaamin lamang ang mga nasasangkot kapag nawala at natapos na ang relasyon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ARA MINA

BANANA SPLIT

CRISTINE

CRISTINE REYES

ERICH

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with