^

PSN Showbiz

Singer-actress nabuhay ang career nang balikan ang dating ‘bahay!’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Inamin sa amin ng ina ng isang sikat na singer-actress na binuro umano ang kanyang anak ng isang TV executive kaya sila bumalik sa TV network na unang pinagmulan ng singer-actress.

Ayon sa ina ng singer-actress na siya ring tumatayong manager ng anak, noong una ay wala naman daw problema dahil sunud-sunod na projects ang ibinibigay sa kanyang anak. In fairness naman daw, nakilala kahit paano ang kanyang anak sa tulong ng kanyang network na inalisan.

Ayon sa mother/talent manager, wala sana siyang balak na lisanin ng anak niya ang network, pero nagtataka umano siya kung bakit bigla-bigla ay walang naka-line-up na projects para sa kanyang anak.

Hindi nila pinagsisisihan ang ginawa nilang pag-bolt out sa iniwang network dahil blessing in disguise ang kanilang muling pagbabalik dahil sunud-sunod na magagandang TV projects kaagad ang ibinigay dito. Katunayan, mas umangat pa ang career ng kanyang anak nang ito’y lumipat ng istasyon.

Kahit katatapos lang nito sa ginawa niyang serye sa nilipatang network, may follow-up project siya kaagad bukod pa sa iba pang programa kung saan siya ito kabilang.

Alonzo Muhlach binigyan na ng sariling serye ng Kapamilya

Sisimulan na ni Alonzo Muhlach ang kanyang kauna-unahang kabibilangang TV series project sa ABS-CBN sa unang linggo ng Disyembre na hindi pa puwedeng i-reveal ang title at bumubuo ng cast not until after the trade show ng ABS-CBN para sa kanilang mga bagong programa for 2015 na na­ka­­takdang ganapin sa Resorts World Hotel on December 2.

Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang My Big Bossing na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon kung saan kabilang si Alonzo, heto’t may kasunod kaagad siyang TV project na isang serye.

Halos puno na ngayon ang kalendaryo ni Alonzo sa buwan ng Disyembre dahil bukod sa sunud-su­nod na promo ng My Big Bossing ay sapaw naman ang thrice-a-week taping ng kanyang first TV series.

Nasa planning stage na rin ang launching movie ni Alonzo at may iba pang movie producer ang nagpapa-reserve ng slot na inaasahang magiging next important child star sa taong 2015.

Jewel hindi pa alam kung kailan ikakasal, wala pang visa

Winter wedding ang magaganap na kasalan sa Amerika ng engaged couple na sina Jewel Mische, at ng kanyang American-engineer fiancé na si A­l­is­ter.

Hindi pa sigurado si Jewel kung ito’y mangyayari ngayong December or early next year dahil hinihintay pa niya ang release ng kanyang visa.

Isang Christian wedding ang magaganap sa Amerika na nakatakdang daluhan ng pamilya, relatives and close friends ni Alister maging ni Jewel pero ito’y susundan ng isang intimate (beach) wedding sa isang undisclosed place sa Pilipinas.

Kitang-kita kay Jewel ang kakaibang aura.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

AMERIKA

ANAK

AYON

DISYEMBRE

ISANG CHRISTIAN

KANYANG

MY BIG BOSSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with