^

PSN Showbiz

Singer napagkamalang waiter!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Naibulong ng isang director na kaibigan ng isang sikat na singer dati pero guwapo at magaling pa rin ngayon nang minsang kumain sila sa isang hotel.

Galing sa isang event ang singer at naka-formal wear ito kung saan nakasuot siya ng amerikana. Nagpaalam muna ang director na pupunta sa washroom at naiwan ang singer na nagtanggal ng amerikana.

Palakad-lakad ito marahil sa pagkainip hanggang isang lalaki ang tumawag sa kanya’t sinabihang oorder na sila.

Hustong dumarating si direk at sinabi sa lalaki na hindi siya waiter. Natawa na lang ang dalawa habang papunta na sa kanilang mesa para umorder at kumain.

Geoff hindi alam ang gagawin pag nakita si Carla

Ayon kay Geoff Eigenmann hindi niya alam kung ano ang gagawin sakaling magkita sila ng dating nobyang si Carla Abellana. Para sa kanya malabo na silang magkabalikan pa. Unti-unti nang nakaka-move on si Geoff dahil sa mga proyekto sa GMA.

Sa kabilang banda, madali naman naka-move on si Carla sa kanilang break-up dahil sa pagdating ni Tom Rodriguez.

Pasasalamat

Salamat sa mag-asawang prodyuser ng Comic Raven Ventures Productions na sina Randy at Malou Nonato na nag-treat sa amin sa Senlek Thai Noodles sa Tahanan Village, Parañaque City.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

COMIC RAVEN VENTURES PRODUCTIONS

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

MALOU NONATO

SENLEK THAI NOODLES

TAHANAN VILLAGE

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with