^

PSN Showbiz

Ogie Alcasid may kakaibang concert treat sa ASAP, Sarah G. maglulunsad ng bagong album

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, matutunghayan sa ASAP 19 centerstage ang pinakaaabangang concert treat ng OPM Icon na si Ogie Alcasid  ngayong Linggo (Nobyembre 2). Kilala bilang hall of famer songwriter sa industriya ng musika at nag-iwan ng tatak sa kanyang mga awitin, si Olgie Alcasid ay magbabahagi sa I LOVE OPM segment ng isang pinakaaabangang kolaborasyon kasama si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tuluy-tuloy naman ang world-class musical treat sa pangunguna ni MTV EMA Southeast Asia Winner at Popstar Royalty Sarah Geronimo sa paglulunsad ng kanyang newest album at newest single na Kilometro. Abangan din ang this Generation’s King of Pinoy Rock, Bamboo, sa isang Topnotch Acoustic Performance kasama ang international music sensation na si Charice.

Tiyak na mamamangha ang lahat ng manonood sa kakaibang charms ng ASAP It Girls na sina Kath­ryn Bernardo, Liza Sobe­rano, Julia Baretto, at Janella Salvador sa isang nakakaindak na performance mula sa hit sing­le ng Icon Pop’s biggest hit, All Night. Abangan din ang exciting na Halloween special number mula sa The Voice Kids Lyca Gai­ranod, Darren Espanto, Ju­an Karlos Labajo, at Darlene Vi­ba­res kasama sina Bugoy Ca­riño at Nhikzy Veench Calma. Hindi naman pa­pahuli sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, at Grae Brace ng Gimme 5 kasama ang Kapamilya Tweens na sina Andrea Brillantes, Zaijan Jaranilla, Sharlene San Pedro, at Jairus Aquino sa isang makapigil hini­ngang production number.

Aapaw naman sa kilig at saya sa center stage sa isa na namang Kathniel Kilig Power nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo ka-back-to-back ang iba pang ­newest Kapamilya love teams na sina Liza at Enrique Gil kasama sina Julia at Iñigo Pascual.

Samantala, makisaya at makikanta sa makulay na selebrasyon ng 25 taon ng Filipino music kasama sa mga tinitingalang OPM Gems na si Rachel Alejandro. Tiyak naman na mamamang­ha sa isa na namang dekalibreng concert treats mula kila ZsaZsa Padilla, Martin Nievera, Jericho Rosales, at Sam Milby na sasamahan ng Ultimate Champions Face Off nina Yeng Constantino, Angeline Quinto, Jed Madela, at Erik Santos. Susundan naman ito ng banayad na musika ng  pag-ibig kasama ang ASAP sessionistas. Hindi naman papahuli ang isa na namang surprising Karaokey performance nina Luis Manzano, Alex Gonzaga kasama sina  Marcelito Pomoy. Huwag din palampasin ang ASAP All Access ng elusive chanteuse tour ni Mariah Carey.

vuukle comment

ABANGAN

ALEX GONZAGA

ALL ACCESS

ALL NIGHT

ANDREA BRILLANTES

ANGELINE QUINTO

KASAMA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with