^

PSN Showbiz

Maxene umaming siya lagi ang inaayawan ng naging BF

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa na ngang Kapamilya ang anak ng Master Rapper na si Maxene Magalona. For  quite sometime now ay madalas siyang makita sa programa ni Kris Aquino at sa It’s Showtime na kung saan ay pumapayag siyang maging judge. Bagaman at ma­ra­mi ang nagsasabi na isa na nga itong malinaw na senyales ng sinasabing paglilipat niya kamakailan lamang niya binigyan-linaw ang bali-balita.

Yes, nagpasya nang maging Kapamilya ng matagal nang isang Kapuso artist. Ibinigay niyang dahilan na bahagi ito ng growth o paglago ng kanyang career. Wala siyang iniwang bad blood sa nilisan niyang kumpanya.

Sa paglipat niya, hindi lamang ang career niya ang inaasahan niyang uusad kundi maging ang kanyang love life. Hindi ipinagkaila ng aktres na bagaman at bata pa siya nang magsimula siyang pumasok sa isang relasyon. Lahat ng relasyon niya ay hindi nagtatagal. Mapa-showbiz man ito o hindi, hindi nagiging matagumpay ang kanyang pakikipagrelasyon.

“Palagi sila ang nakikipag-break sa akin. Never na ako ang nag-instigate ng break-up. Hindi rin kami naghihiwalay ng magkaibigan. Hindi na kami nag-uusap once na maghiwalay kami. At tanggap ko ‘yun. Wala namang hiwalayan na amicable. Kaya nga sila naghihiwalay ay dahil hindi na sila nagkakaintindihan,” matapat na pag-amin ng aktres na agad at mayro’n nang ginagawang serye  sa bago niyang network sa interview sa kanya sa Aquino and Abunda Tonight.

Rhian hindi naiinip kahit mabagal ang usad ng career

Rhian Ramos has always been faithful with GMA. Sa rami ng intriga at kontro­bersiyang pinag­daanan niya never ­siyang nag-isip na lumipat. Dahil sa kabila ng mga gulong ki­na­sangkutan niya, never namang nawalan ng tiwala sa kanya ang Kapuso Network. Sa malas mas lalo siyang gumagaling na artista sa ilalim ng GMA, na gaya ng pinatu­yuna­yan niya sa katatapos na teleseryeng My Destiny. Bago siya magtrenta, 24 years old na siya ngayon, inaasahan niya at ng lahat niyang tagasubaybay na makukuha na niya ang rekognisyon o pagkilala sa kanyang talent.

Samantala, isang indie movie ang magtatampok sa kanya at sa isa sa pangunahing aktor ng ABS-CBN na si Piolo Pascual, sa direksyon ng singer na lumilinya ngayon sa pagdidirek ng pelikula na si Jeffrey Hidalgo. Nakatakda itong i-release internationally.

Paulo walang pag-asa kay KC

Poor Paulo Avelino! Mukhang hindi siya papa­sang boyfriend ni KC Concepcion dahil lamang may anak siya sa pagkabinata. Mukhang mananatili na lamang silang friends dahil walang sabit ang hanap ng anak ni Mega. Hindi naman puwedeng i-deny ng aktor ang anak niya para lamang siya mag­karelas­yon. At kung ang anak niya ang makakahadlang para magkaro’n siya ng love life, igagalang niya ‘yun.

Jaclyn Jose minimulto!

Manghihilot na nagsasagawa ng aborsyon ang ka­rakter na bibigyang-buhay ng award-winning ac­­tress na si Jaclyn Jose sa Halloween episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi.

Dahil nababagabag ng kanyang konsensya, madalas siyang mag-ilaw ng kandila at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga sanggol na kinikitilan niya ng buhay. Ngunit mababago ang buhay ni Susan sa pagkamatay ng isa niyang pas­yen­teng si Laila (gagampanan ni Precious Lara Qui­gaman). Dahil mula noon, nagsimula na siyang makakita ng iba’t ibang nakakakilabot na bagay at pangyayari.

Paano mapapayapa ni Susan ang kaluluwa ni Laila na nagmumulto para humanap ng hustisya sa pagkamatay nilang mag-ina?

Bahagi rin ng upcoming Halloween episode ­si­na Liza Lorena, Joem Bascon, Richard Quan, Cris­pin Pineda, at Lui Manansala. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Sineneng at panulat ni Shugo Praico.

vuukle comment

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

DAHIL

JACLYN JOSE

NIYA

SHY

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with