^

PSN Showbiz

Bea nagsalita sa problema nila ni Zanjoe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Bea Alonzo dahil nakapagpahinga na siya ngayon pagkatapos magwakas ng teleserye niyang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kamakailan. “After ng soap na medyo talagang matrabaho at intense, mas nakapahinga ako. ‘Yung mga ginagawa ko ngayon mas para sa mga endorsements ko, mga obligasyon ko for them and I’m happy since I get to go around and find time,” bungad ni Bea.

Ngayon ay isang bagong pelikula ng Star Cinema ang pinaghahandaan ng aktres. “May movie ako with Richard Gomez and Dawn Zulueta, mag-start kami ng first week of November. Nagte-training na kami, but I can’t say yet kung ano ‘yung role,” pagbabahagi ni Bea.

Kahit walang ginagawang serye ngayon ay hindi naman daw nangangahulugan na madalas makasama ni Bea ang kasintahang si Zanjoe Marudo. “Siya naman ‘yung busy actually kasi may ginagawa siyang soap opera. So hindi kami masyadong nagkikita. Sabi ko paano ba ito? Hindi nagsasakto ‘yung schedules namin. Pero okay naman kami,” giit ng aktres.

Nilinaw din din Bea ang napabalitang nagkaroon ng problema ang relasyon nila ng aktor at nagkahiwalay na diumano sila. “I guess ganun naman yata, when you’re together people want you to break, pero kapag hindi kayong dalawa, they want you to be together. So I think that’s human nature. The most important thing is trust and malalaman n’yo naman ‘yun kung hindi na,” pagtatapos ni Bea.

Angeline mas priority ang pamilya kaysa kay Erik

Para kay Angeline Quinto ay isa raw si Erik Santos sa mga nagpapasaya sa kanya ngayon. Matagal na ring usap-usapan ang tungkol sa espesyal na ugnayan ng dalawa. “Happy naman ako kung ano ang meron ako ngayon. Alam naman ng lahat na isa si Erik sa nagpapasaya sa akin,” pagtatapat ni Angeline.

Ano na nga ba ang tunay na relasyon ng dalawa ngayon? “Sakto lang, hindi pa po. Sasabihin ko naman po kung kami na. Napapasaya niya ako, alam naman din po ni Erik ‘yun. Nagte-thank you din naman siya sa akin kasi alam niyang nandito ako sa kanya. So bigayan lang din kasi mabuting tao din naman si Erik. So gano’n din ‘yung pinapakita niya,” paliwanag ng singer.

Samantala, isa si Yeng Constantino sa mga pinakamalapit ng kaibigan ni Angeline at ayon sa huli ay madalas din nilang mapag-usapan ang tungkol sa buhay pag-ibig nila. Masaya raw si Angeline sa nalalapit nang pagpapakasal ng kaibigan. “Sa totoo lang napag-uusapan namin ni Yeng ‘to. Kasi si Yeng, isa sa mga closest friends ko ‘yan. Nagulat ako talaga no’ng malaman kong ikakasal na siya next year pero siya na mismo nagsabi sa akin na happy po siya sa fiancé niya. Tapos tinatanong niya din ako minsan kung kailan ko balak magpakasal. Sabi ko, ‘Wala pa talaga sa isip ko ‘yan, sorry kung hindi ako makasabay sa ‘yo.’ Unang-una, wala din namang inaasahan ‘yung family ko, ako lang. So trabaho po muna, kung kailan ko maramdaman na mag-settle down sa sarili ko lang naman, siguro maiintindihan ‘yun ng nanay ko. Gusto ko lang ngayon mabigyan sila ng magandang buhay,” kwento ng dalaga.             

                           Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKO

ANGELINE QUINTO

BEA

DIN

ERIK

NAMAN

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with