Nainggit kay Alden, Kylie gusto rin maging ‘bayani’
Suportado ng kanyang pamilya si Kylie Padilla sa celebrity screening ng first film niyang Dilim dahil hindi lang ang amang si Robin Padilla ang nanood last Monday sa Trinoma. Dumating din ang stepmom niyang si Mariel Rodriguez, ang uncle niyang si Rommel Padilla at ang pinsang si Bela Padilla.
Present din si Alden Richards, kasama ni Kylie sa Ilustrado at nakita rin namin si Mike Tan, iba pang talents ng GMA Artist Center at bossing ng GMAAC.
Proud tiyak si Robin kay Kylie dahil nakakaarte ang anak pati sa horror scene. Showing simula this Wednesday ang Dilim sa direction ni Joey Reyes at dahil sa mga eksenang nakakatakot, hindi kami makapunta sa restroom. Hahaha!
After Dilim, gagawin ni Kylie ang Hototai na sabi ni Roselle Monteverde story ng mga Chinoy to be directed by Joey pa rin. Pang 2015 Chinese New Year presentation ito ng Regal Entertainment, kaya malapit na ang shooting. Nabanggit sina Tom Rodriguez, Ellen Adarna, Jasmine Curtis, at Daniel Matsunaga na kasama sa cast.
Samantala, pagkatapos gumanap na Leonor Rivera sa Ilustrado, ang sunod na pinupuntirya ni Kylie na gampanan ay role ni Gabriela Silang. Wish nitong gawin din ito ng GMA News & Public Affairs, mag-o-audition siya kung kinakailangan at magpapaitim. Pupunta siya sa Boracay for one week para magpaitim.
Direk Chito pinagtrabaho si Kris bago lumipad pa-Japan
Sabi na nga ba at hindi papayag ang Star Cinema na hindi maihabol sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Feng Shui. Bago umalis si Kris Aquino for Japan para sa taping ng Kris TV, nag-shooting muna siya ng ilang eksena. Pinost nito sa Instagram (IG) ang proposal scene nila ni Ian Veneracion.
Nabalita rin na sa November 5, magsu-shooting na si Cherry Pie Picache at tatapusin ang kanyang mga eksena bago ang deadline sa Nov. 22 daw.
- Latest