^

PSN Showbiz

Kaya gustong gawing legal ang paggamit sa bansa cancer ng nanay ni Rafael Rosell gumaling sa marijuana Kylie umaming maraming nilabag sa paniniwala ng mga Musli

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ang bagong Miss World-Philippines na si Va­lerie Weigmann ang isa sa special guests sa Sunday All Stars kung saan bibigyan siya ng  magandang exposure kasama ang mga mainstays ng naturang musical variety show.

Kahit ilang araw lang na namalagi sa ating bansa si Rachelle Ann Go, nakapag-tape pa ito ng isang special number para sa SAS kasama si Dingdong Dantes

PAK: Inamin ni Kylie Padilla na marami na raw siyang pagkukulang sa mga kapatid niyang Muslim dahil sa marami na raw siyang nilabag sa kanilang mga paniniwala.

Bilang isang Muslim, aminado siyang marami na siyang bawal na gawain na patuloy pa rin niyang ginagawa. Kagaya ng mga sinusuot at ilang ginagawa niya bilang artista, pero wala raw siyang magagawa dahil kailangan niyang gawin alang-alang sa trabaho.

Kaya ayaw na raw niyang pag-usapan pa at iniiwasan na niya itong sagutin nang nakapanayam namin sa presscon ng pelikula niyang Dilim.

Hindi pa niya masabi kung meron ba siyang nagawa na hindi gusto ng mga Muslim sa pelikulang Dilim. Mas mabuting panoorin na lang daw na magsu-showing na sa October 22.

Pero nililinaw ni Kylie na Muslim pa rin siya, pero hindi na siya gaanong active dahil sa pagi­ging abala niya sa kanyang showbiz career.

BOOM: Iba ang pasabog ni Rafael Rosell nang nakatsikahan namin sa presscon ng pelikulang Dilim.

Isa pala sa advocacy niya ay i-legalize ang paggamit ng marijuana sa ating bansa.           

Kayang patunayan daw ni Rafael na ang marijuana ay nakakagamot sa sakit na cancer.

Iyun daw ang nagpagaling sa kanyang inang may sakit na thyroid cancer.

Kuwento ni Rafael, ini-extract daw niya ang oil ng halamang ito at iyun daw ang ipinapainom niya sa kanyang ina araw-araw. Sa loob ng dalawang buwan ay gumaling daw at masasabing cancer-free na raw ang kanyang ina.

Nakakagamot pa raw ng ibang sakit ang marijuana gaya ng lagnat, sakit sa pangangatawan at glaucoma.

Kaya nagtataka raw siya bakit naging illegal ito gayung hindi raw ito nakakasira sa tao.

Saad ng Kapuso actor: “I’m just informing you. I’m not here to discuss or convince anyone that I’m right, I’m just here to tell you that there’s a medicine. If you believe me, that’s okay. If you don’t, that’s okay also,”

“I’m not asking you to think like me. I’m not asking you to smoke.

 “I’m just asking you to question. Bakit legal ang alcohol na walang katinuan sa buhay ng tao, pero itong gamot na ito, bakit illegal?”

vuukle comment

DILIM

DINGDONG DANTES

KAYA

KYLIE PADILLA

MISS WORLD-PHILIPPINES

NIYA

RACHELLE ANN GO

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with