^

PSN Showbiz

KC, hindi magpapatalo kay Kim

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisiklab na ang galit at poot sa puso ng karakter ni KC Concepcion na si Natalia sa master teleserye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang ngayong natuklasan na niya na ang itinuturing na karibal sa puso ni Gabriel (Coco Martin) na si Jacq (Kim Chiu) ay ang kanyang nawawalang kapatid na si Andrea.

Sa kanyang pagbabalik, handa nang gawin ni Natalia ang lahat para sirain ang buhay ni Andrea matapos nitong sirain ang relasyon nila ni Gabriel. Paano isasagawa ni Natalia ang kanyang masasamang plano laban kay Andrea kung ito ay pino­protektahan na ng kanilang ama na si Franco (Christopher de Leon)? Nga­yong alam na ni Gabriel na ang iniibig niyang si Andrea ay anak din ng lalaking kinasusuklaman niya, magagawa ba niyang ituloy ang kanyang paghihiganti, o mas mananaig pa rin ba ang isinisigaw ng kanyang damdamin?

Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang  master teleseryeng Ikaw Lamang ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television.

vuukle comment

ANDREA

AVEL SUNPONGCO

COCO MARTIN

DIREK MALU SEVILLA

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

IKAW LAMANG

KIM CHIU

MANNY PALO

NATALIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with