^

PSN Showbiz

JC naka-concentrate muna sa mga ahas habang wala pang regular show sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Four days to go na lang ang shooting ng Ahas epi­sode ng Shake, Rattle & Roll XV at mukhang ang episode na tinatampukan nina JC de Vera at Erich Gonzales ang pinaka-star studded. Bukod sa dala­wa, may special participation si Solenn Heussaff bilang asawa ni JC. Kaya lang, maaga siyang mawa­wala dahil kakainin ng mga ahas.

Kasama sa cast si Alice Dixson na nagbabalik-Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng film company ni Mother Lily Monteverde. Siya ang gaganap sa role ng nanay ng mga ahas. Ibig sabihin, may mga eksena ang aktres na kasama ang maraming ahas, mabuti at hindi ito takot sa ahas.

Ang shooting ng Ahas ang focus ni JC habang wala pa siyang regular soap sa ABS-CBN. Hindi na siya kasama sa cast ng Pasion de Amor, pero may inihahanda raw kapalit ang network para sa kanya.

Kapatid ni Zaijian na si Zymic pamalit lang sa Yagit

Si director Gina Alajar ang nakapansin na reunion ng Protégé ang bumubuo sa cast ng Soulmate, Soulhate, ang pilot episode ng Season’s of Love na October 6 na ang airing. Sina Ruru Madrid, Elle Ramirez, at Reese Tayag ay produkto ng show at natutuwa ang director dahil may napuntahan ang tatlo, lalo na si Ruru.

Ang kapareha ni Ruru na si Gabrielle Garcia at ang ibang cast na sina Jak Roberto at Abel Estanislao ay mga baguhan at dahil sa kanila, sabi ni direk Gina, may trabaho siya. Kaya walang reklamo kung shows ng newcomers ang hinahawakan.  

Inalam pala namin kay direk Gina kung bakit napalitan ang isa sa batang cast ng Yagit. Ang alam namin, si JM Andres ang napili sa role ni Ding, pero bago mag-taping, napalitan siya ni Zymic Jaranilla, kapatid ni Zaijian Jaranilla.

Sabi ni direk Gina, nagkaroon ng problema dahil sa application, tinanong kung may kontrata ang mga bata sa ibang company dahil gusto silang ikontrata ng GMA Artist Center. Sabi raw ng lola ni JM, walang kontrata ang bata, pero nadiskubre ng legal department ng GMA 7 na kapipirma lang nito ng managerial contract sa ma­nager. No choice ang network, kundi palitan siya.

Ipinasok agad sa workshop si Zymic at natutuwa sa kanya si direk Gina dahil magaling at mahusay mag-deliver ng dialogue. Si Zymic daw ang klase ng child star na hindi umiiyak ‘pag umaarte, pero ang viewers ang maiiyak sa kanya.

Fabio Ide tatay daw ng apo ni Melissa Mendez?!

Bininyagan na pala ang apo ni Melissa Mendez na ang sinasabing ama ay si Fabio Ide, pero walang kumpirmasyon tungkol dito. Sa binyag ng bata, may pictures ni Fabio na karga ang baby at katabi ang ina nito na anak ni Melissa at ibang godparents ng bata.

Hindi alam kung dumalo sa binyag si Fabio as the father of the baby o bilang isa sa mga ninong. Ang alam ng marami, may GF si Fabio, hindi ang anak ni Melissa at kung totoong siya ang ama ng baby, hindi siguro magiging rason ‘yun para maghiwalay sila ng nobya niya ngayon.

vuukle comment

ABEL ESTANISLAO

ALICE DIXSON

ARTIST CENTER

FABIO

FABIO IDE

GINA

MELISSA MENDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with