^

PSN Showbiz

Heart dapat kuning ninang si Annabelle Rama!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dapat kunin na ninang sa kasal ni Heart Evangelista ang kanyang ex-manager na si Annabelle Rama. Kung hindi dahil sa tulong ni Annabelle, hindi magkakaroon ng second chance na kuminang sa GMA ang nawalan ng ningning  na showbiz career ni Heart noon pagkatapos ng break up nila ni Jericho Rosales. 

SCENE: Imbes na manlait ng kapwa at sumawsaw sa mga isyu na wala siyang kinalaman,  mga dasal ang dapat hili­ngin ni Mo Twister para sa kanyang anak na si Moira na may Friedreich’s Ataxia illness.

SEEN:  Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa successful show ng GMA Pinoy TV sa Redondo Beach Performing Arts Center. Nagmumura sa laki ang mga braso ni Carla sa kanyang sleeveless dress na suot.

SCENE:  Mahiyain ang  Filipina mother at American father ni Tom Rodriguez na nanood ng GMA Pinoy TV show sa Redondo Beach Performing Arts Center.

SEEN : Sinigang na sugpo at adobo ang mga niluto ng housewife material na si  Marian Rivera bilang pasalubong para sa kanyang fiancé na si Dingdong Dantes na kararating lamang mula sa Germany trip. 

SEEN: Kasama ni Iñigo Pascual sa guesting niya sa ASAP19 noong Linggo ang kanyang low-profile mother na si  Donna Lazaro.

SCENE: Ang mataas na rating ng pilot telecast ng MyApp Boyfie ng Wansapanataym noong Sabado ang patunay na malakas ang hatak ng loveteam nina Nadine Lustre at James Reid.

SEEN:  Patungkol kay Rayver Cruz ang mga pa-girl at pa-tweetums na tweets ni Kylie Padilla na hindi itinatago ang malaking pagkagusto sa co-actor niya sa Dilim, ang horror movie ng Regal Entertainment Inc. 

SCENE: Inikot nina Alden Richards at Regine Velasquez ang buong Pilipinas  dahil hinanap nila ang mga karapat-dapat na contestants ng Bet ng Bayan, ang reality talent  search program ng GMA 7 na mapapanood simula sa October 5. Ang Bet ng Bayan ang katumbas ng Talentadong Pinoy ng TV5.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG BET

ANNABELLE RAMA

BAYAN

DINGDONG DANTES

REDONDO BEACH PERFORMING ARTS CENTER

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with