^

PSN Showbiz

Kris nangongolekta ng iba’t ibang negosyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Proud owner ng franchise ng Chowking si Kris Aquino at sa mataong Ali Mall ang kanyang branch. Sisimulan sa October ang construction ng branch ng CK ng TV host-actress at magbubukas sa November.

Nilinaw ni Kris na binayaran niya ng sariling pera ang franchise at hindi kasama sa kanyang kontrata. Nabanggit nitong first franchise niya ito at may future branches pa siyang sinabi.

Para raw sa future nila ng kanyang mga anak ang pagkuha niya ng franchise sa CK. Maalaalang kasosyo rin siya ni Luis Manzano sa taxi business nito. Marami pang negosyong balak pasukin si Kris, hintayin lang natin.

Mark Gil drinowing ni Tom habang nagti-taping

Nakakatuwa ang comment na nabasa namin tungkol kay Tom Rodriguez sa fashion show ng Bench, balak daw nitong palitan si Jake Cuenca dahil sa pagiging daring nang rumampa. Ibinaba ni Tom ang suot na underwear, kaya lalong nagsigawan ang tao. Hinihintay na tuloy ang next Bench fashion show sa year 2016 kung anong gimik ang gagawin ni Tom. Para sa Rappler, si Tom ang may Most Sculpted Body sa mga lalaking rumampa.

Samantala, sa pag-ere ng Don’t Lose the Money, napapanood na si Tom five days a week sa umaga at sa gabi dahil sa My Destiny. Mabuti at magkaiba ang kanyang ginagawa, hindi siya pagsasawaan ng viewers.

Siya nga pala, walang isyu kina Tom at Sid Lucero kahit ex-GF ng cousin ni Sid na si Geoff Eigenmann ang nililigawan ni Tom ngayong si Carla Abellana. Magkakasama ang tatlo sa My Destiny at kuwento sa amin, maayos ang samahan nila sa taping. 

Sa isang taping nga, nag-drawing si Tom ng mukha ni Mark Gil at ibinigay kay Sid. Tuwang-tuwa raw si Sid at paulit-ulit na nagpasalamat kay Tom.

Kahit pala busy, nakagawa pa rin ng pelikula si Tom, kasama siya sa cast ng remake ng T’yanak under director Peque Gallaga at ginagampanan ang role na ginampanan ni Ramon Christopher sa original movie. Si Solenn Heussaff ang partner niya sa role na unang ginampanan ni Lotlot de Leon. Si Judy Ann Santos naman ang gumaganap sa role na unang ginampanan ni Janice de Belen.

Echo at Alden may kumpetisyon sa pagiging Rizal

Nakakatuwa ang bagong TV plugging ng GMA 7 sa Ilustrado at kung saan, pinagpapasapasahang isuot ng ibang Kapuso stars ang sumbrero na ginamit ni Alden Richards sa ta­ping ng bayani serye. Ang ending ng TV plug, si Alden ang pinaka-last na nagsuot ng sumbrero.

Sa October na ang airing ng Ilustrado at isa sa mga inaabangan ang tandem nina Alden at Kylie Padilla na gumaganap bilang Leonor Rivera. Marami rin ang naiinggit sa aktor dahil makakapareha niya si Solenn Heussaff na marami ang may crush.

Anyway, hindi maiiwasang pagkumparahin sina Alden at Jericho Rosales na parehong gaganap sa role ni Dr. Jose Rizal. Kung si Alden ay sa “bayani serye” magiging si Dr. Jose Rizal, si Jericho ay sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Bonifacio na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Jasmine walang paki sa pangba-bash ng Kathniels

Dedma si Jasmine Curtis-Smith sa patuloy na pamba-bash ng ibang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kahit nagkaayos na ang magka-love team. Sa Instagram (IG) pa ni Jasmine siya bina-bash ng ilang KathNiel fans, mabuti at hindi na nito pinapansin ang galit ng fans.

Si Anne Curtis ang hindi nakatiis at sinagot ang isang basher ni Jasmine at ipinagtanggol ang ka­pa­tid. Wala pa ring reaction si Sam Concepcion na nabanggit din sa audio ni Daniel. We would love to hear Sam’s reaction sa description sa kanya ni Da­niel na ikinumpara siyang member ng Guns & Roses band.

Ang paggaling ng ama na naoperahan ang focus nina Jasmine at Anne and of course, ang career ni Jasmine. Umeere na ang My Tag Boyfriend mini-series nila ni Sam, shooting ng Bonifacio, at bukas, showing ng Dementia na pinagbibidahan ni Nora Aunor.

Aktor walang planong patusin ang aktres na parang in love na sa kanya

Ayaw naming kontrahin ang kilig ng fans sa isang bagong love team. Wish nilang totohanin ng aktor ang panliligaw sa aktres at maging sila sa tunay na buhay. Pero sa ngayon, parang walang plano ang aktor na ligawan ang bagong kapareha kahit marami ang nagsasabing bagay sila at kinikilig ang aktres sa aktor.

Nang makausap namin ang aktor at tuksuhin namin sa aktres at sabihing baka sa ligawan matuloy ang tambalan nila, “wala ‘yun” ang isinagot. Pati ang close friend ng aktor na sinabihan naming mukhang magkaka-GF na uli ang kaibigan niya, negative ang sagot, wala raw sa plano ng friend niya na magka-GF sa ngayon.

vuukle comment

AKTOR

ALDEN RICHARDS

DR. JOSE RIZAL

MARK GIL

MY DESTINY

SID

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with