^

PSN Showbiz

Matapos i-lambast ang aktor, bitbit pa ang anak asawa ni Derek nagbago ang isip, reply affidavit hindi na isinubmit!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Matindi pala ang pagpapapayat ni Tom Rodriguez bilang paghahanda niya sa pagrampa niyang naka-underwear sa Bench The Naked Truth Denim and Underwear show na gaganapin sa SM MOA Arena mamayang gabi.

Madalas daw na kinakain nito ay ang puti ng itlog at minsan ay kamote lang. Kaya lang, sunud-sunod ang trabaho at pagpupuyat niya sa taping kaya nahihirapan ang katawan niya.

Minsan daw ay halos himatayin daw ito sa taping ng My Destiny na inuumaga ng pack-up at deretso pa siya sa taping ng bagong game show niyang Don’t Lose the Money.

Kaya sa break ng taping niya sa Don’t Lose ay nakikita na lang namin tulog ito.

Sa Lunes, September 22 ng umaga na magsisimula ang Don’t Lose the Money.

PAK: Malaki ang pasasalamat ng mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto sa suporta ng mga magulang nila nung lumaban ang Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA World Cup.

Nasa Espanya rin si Dina Bonnevie nung lumaban ang Gilas para suportahan ang manugang nitong si Marc.

Gusto rin daw sana manood nun ni Vic Sotto, pero nagsu-shooting lang ng My Little Bossings niya na pang Metro Manila Film Fest (MMFF).

Nangako raw si Bossing na manood sa laban nila sa Asian Games sa Korea na magsisimula na.

Kaya kahit medyo nalungkot daw sila sa ‘di pagpasok ng Gilas sa finals, kahit papano napagaan dahil sa suporta ng pamilya.

BOOM: Matindi rin ang sagot ng nagpakilalang asawa ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly sa counter-affidavit na isinumite ng aktor.

Dinamay pa niya ang mga dating nakarelasyon ni Derek na sina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, at Angelica Panganiban. Humingi sila sa Bureau of Immigration ng travel records ng tatlong aktres dahil pinag-iisipan nilang magsampa ng kasong Concubinage laban sa aktor at malamang na madadamay ang mga nakarelasyon ni Derek.

Hanggang sa ngayon ay mag-asawa pa rin daw sila at ipinangalandakan pa raw ni Derek ang mga relasyon niya sa mga ito kahit mag-asawa pa sila.

Tahasang itinatanggi naman ni Mary Christine Jolly ang isyung pakikipagrelasyon niya sa ibang lalaki pagkatapos nilang maghiwalay ni Derek.

Lahat naman na ibinibintang ni Derek sa kanya na lumabas sa Counter-affidavit ng aktor ay itinatanggi niya.

Pinalalabas pa niyang si Derek pa raw ang nagdala sa kanya para mag-drugs.

Kaya raw niyan inilabas ito lahat para lang daw ipaglaban ang kanyang karapatan at ang kanilang anak.

Kahapon ay isinumite ni Mary Christine ang kanyang reply affidavit sa tanggapan ni Asst. City Prosecutor Erwin Dimayacyac ng Makati Prosecutor’s Office. Dinala pa nito ang 11-year-old son nila ni Derek na may dalang sulat na ibibigay raw sa judge.

Nakapaloob doon sa sulat na galit daw siya sa kanyang ama at “Derek” lang nga ang tawag niya rito.

Ilang sandali, dumating si Derek kasama ang kanyang magulang at ang abogadong si Atty. Joji Alonzo.

Ayon kay Atty. Joji, pawang kasinungalingan ang lahat na ibini­bintang ni Mary Christine kay Derek.

As of presstime nasa loob pa ng tanggapan ni Prosecutor Dima­yacyac sina Derek, Mary Christine at ang kanilang anak.

Sila lamang ang hinarap ng piskalya at wala ang kanilang mga abogado.

Hindi napigilan ni Derek ang maiyak bago ito pumasok ng kuwarto.

Ilang sandali ay pinalabas ang bata dahil umiiyak na ito. Pero marami ang nagtataka kung bakit dinala pa ni Mary Christine ang bata gayung hindi naman pala ito hiningi ng prosecution.

Pagkatapos ng mahigit na isang oras na pag-uusap, napagdesisyunan ng piskalya na ipa-reset muna ang hearing at hindi na muna isinumite ni Mary Christine ang kanyang Reply Affidavit.

Ang problema, naglabasan na ang reply affidavit dahil nagpa-presscon muna sila at namigay na ng kopya sa media.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

ASIAN GAMES

DAW

DEREK

KAYA

LOSE THE MONEY

MARY CHRISTINE

MARY CHRISTINE JOLLY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with