^

PSN Showbiz

Annabelle at Eddie magkaiba ang sinasabi sa kanilang sex life!

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sobrang saya ng ginanap na presscon para sa ikalawang season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Nawindang hindi lang ang mga dumalo kundi pati ang nagsilbing host na si Robbie Domingo. Sa presscon pa lang may mga mga pasabog na kasi si Annabelle Rama-Gutierrez kaya naman for sure bigger, better, and bolder ang second season ng kanilang reality show sa E! Channel.

Sa tingin namin, mas papanoorin ang second season dahil kay Annabelle. Preview pa lang kasi, mas natalbugan na niya ang anak na si Ruffa Gutierrez na matagal nang kilala sa international scene. Nakakaaliw talaga siyang panoorin kahit sa interviews pa lang, napaka-prangka at ang tapang ng personality niya. Kahit na si Annabelle at Richard Gutierrez na lang ang producer ng second season, hindi raw napi-pressure si Bisaya na matalbugan ang kanilang unang season. Pero nagpapasalamat siya dahil mas nakilala siya sa season one na kahit saan daw siya magpunta ay binabati siya.

Halatang very excited ang lahat ng miyembro ng pamilya sa ikalawang season, lalo na si Sarah Lahbati, ang girlfriend ni Richard at ina ng kanilang anak na si Baby Zion at mas kilala na ngayong Zion the Lion. Maaalalang napapasilip-silip lang si Sarah sa first season, pero sa bagong season ay kasama na siya sa regular cast. Dagdag na rin sa cast ang isa pang kuya ng pamilya na si Elvis Gutierrez at ang kanyang girlfriend of nine years na si Alexandra “Alexa” Uichico. Expected din na madaragdagan pa ang cast dahil due na ng buntis na si Alexa next week sa baby girl nila ni Elvis na papangalanan nilang Aria.

Habang lumalaki ang pamilya Gutierrez, mas exciting na ang kanilang bagong season. Expect more comedy, high drama, and family issues. Ang nakakawindang na comment lang ng international director nila, (yes, international dahil dalawa na ang kanilang direktor ngayon) “She talks about sex a lot” na patungkol kay Annabelle. Oh, ‘di ba bongga ang second season?

Dalawa ang direktor nila ngayon dahil mas gusto raw ng mga anak ni Annabelle na international ang kunin na direktor. Kaya nang kumunsulta sila kay NBC Universal VP for Channels in Asia Pacific na si Scott Mackenzie, ipinagkatiwala sila kay Karen Wiggins. Pero dahil pursigido lagi si Bisaya sa mga gusto niya, nasunod pa rin na may local director sa katauhan ni Direk Ivan.

Anyway, nang matanong si Annabelle tungkol sa sex life, aba’y masiglang sumagot ito ng “Siyempre hindi mawawala ‘yon no?!” na ikinaaliw uli ng mga dumalo sa presscon. Si Eddie Gutierrez kasi, umaming hindi na nga raw siya tumatanggap ng sahod o allowance, ‘di tulad ng kanyang mga anak na may ta­lent fee, zero pa ang kanyang sex life! Naku! Sino kaya sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Ha ha ha!

Ang premiere ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez season two ay mapapanood na sa E! sa October 5, alas-9 ng gabi.

vuukle comment

ALEXA

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA-GUTIERREZ

ASIA PACIFIC

BISAYA

DIREK IVAN

GUTIERREZ

SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with