^

PSN Showbiz

Ibang klase ang date Sarah nag-aaral ng archery kasama si Matteo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Uy nag-aaral daw ng archery si Sarah Geronimo. Ito ay matapos kumalat ang picture nina Sarah at boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na magkasamang nag-a-archery.

Lately ay hindi visible ang dalawa kaya maraming natuwa sa picture na magkasama na naman sila na lumabas at siyempre nag-date.

Maraming kinikilig sa kanila kaya nag-aabang ang fans kung ano na ba ang nangyayari sa dalawa.

Anyway, hindi pa man official na out sa market ang brand new song ni Sarah na Kilometro, aba nagti-trending na agad kahapon sa Twitter. At ang laki na agad ng hits sa YouTube.

Matagal-tagal na rin kasi ang last album ni Sarah kaya marami na ang nae-excite sa ilalabas niyang bagong album.

Ayon sa isang Viva Records insider, lalabas sa first week of October ang album niyang Perfectly Imperfect ang title.

Bukod sa aabangang album, bulung-bulungang malakas ang laban ni Sarah sa pagka-best actress sa nalalapit na 11th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society (ENPRESS). Panlaban ni Sarah ang acting sa pelikula niyang It Takes a Man and a Woman na sequel ng super blockbuster nilang pelikula ni John Lloyd Cruz.

Katatapos lang niyang manalong Female Performer of the Year at nakuha ang Pop Album of the Year sa Star Awards for Music.

At siyempre, tuloy ang kampanya ng fans ni Sarah para iboto siya sa Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards. In fairness, ang bilis lang bumoto kaya vote na para magwagi ang Pop Superstar.

Dingdong namanhikan na sa pamilya ni Marian

Namanhikan na kagabi si Dingdong Dantes sa pamilya ni Ma­rian Rive­ra. Sa Instagram account ni Ma­rian, sinabi ng actress na kilig na kilig siya - “Pamanhikan – Ito ang isa sa pinakamahalagang ginagawa ng iyong magiging asawa na kasama ang kanyang pamilya upang hingin ang iyong kamay mula sa iyong mga magulang! Yaaay kinikilig ako mamaya na ito…” post ni Marian sa kanyang Instagram account.

Nauna nang sinabi ni Marian na susunod sila sa old tradition ng pagpapakasal.

In fact, maging ang wedding gown niya ay hindi niya susukatin. May kasabihan na bawal sukatin ang wedding gown dahil baka hindi matuloy ang kasal.

Bongga si Marian, hindi siya nakikiuso sa mga pasosyal. Umiiral pa rin sa kanya ang pagiging pro­binsiyana.

Tom comfortable na sa pagho-host

Masaya ang game show na iho-host ni Tom Rodriguez na Don’t Lose The Money. Sa taping the other day ay nag-imbita sila ng ilang press na naglaro pa. In fairness, ang lakas ng aliw factor ng show. Nakaka-excite kahit nasa audience lang kami.

Comfortable na rin si Tom na mag-host. First time niyang mag-host. “Sobrang nakaka-excite dahil this will be my first time to host a gameshow. Aside from the challenges for the competing teams, Don’t Lose The Money aims to inspire viewers na maging mas madiskarte so they can achieve their goals in life,” sabi ni Tom.

Franchise from Germany ang Don’t Lose the Money pero ayon kay Direk Mark Reyes, in-adopt nila ito sa Pinoy style.

May maglalarong dalawang team na may tatlong members each na magco-compete. Ang grupo na magkakaroon ng biggest amount of mo­ney at the end of the program, after g­oing through grueling physical challenges, wins and gets to take home the money.

Kailangang may strategy ka para malusutan ang challenges ng bawat round.

Mapapanood ang Don’t Lose The Money starting Monday, September 22, bago ang The Ryzza Mae Show, Monday to Friday.

Diana Zubiri may kakaibang gagawin sa Naked Truth…

Inaabangan na ang pagrampa ni Diana Zubiri sa gaganaping The Naked Truth ng Bench bukas, Friday. Yup, rarampa ang original FHM girl at cover for September ng men’s mag.

First time ni Diana na rarampa sa Bench kaya excited ang mga parokyano ng nasabing sexy fashion show.

Ang say ng isang malapit kay Diana, may kakaibang gagawin ang sexy actress sa kanyang pagrampa na tiyak na ikasasaya ng fans. Pero ayaw banggitin ng katsika ko kahapon. Basta isa raw itong bonggang pasabog na parang bomba. Hahaha.
Wow. Anik kaya ‘yun?

Actually maraming nagulat na kasama si Diana sa mga rarampa sa nasabing show na talaga namang ina­abangan dahil kabogan talaga ang pagpapa-sexy.                     

                                        

vuukle comment

BEST SOUTHEAST ASIA ACT

DIANA ZUBIRI

DINGDONG DANTES

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

EUROPE MUSIC AWARDS

NAKED TRUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with