^

PSN Showbiz

Pelikula ni Nova sa nakaraang CinemalayaX malakas ang laban sa Hawaii

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Humanga ako nang una kong mapanood sa 10th Cinemalaya Film Festival ang movie ni Nova Villa na pinamagatang First Ko si Third. Isang movie ito tungkol sa pagtungtong ng isang senior citizen sa retiring age at nag-iisip na lamang ng paraan para gawing makabuluhan at masaya ang kanyang panahon. Si Nova ang babaeng bigla na lamang nakaramdam ng pagkabagot sa biglang pagbabago sa kanyang buhay kaya maging ang marriage niya sa isang ring retiradong lalaki (Dante Rivero) ay naapek­tuhan na.

Isa ‘yung panahon na nagpapasalamat ako at may ganu’ng klase ng pelikula akong napanood. Kung sa mainstream movies ay ‘di ko ‘yun maaasahan dahil pawang formula movies o ‘yun ang mga tema ay gusto ng mga manonood ang ipinakikita, dahil kung hindi siguradong lalangawin sila sa takilya. Hindi ko alam kung gaano karami ang nanood ng First Ko si Third, pero ‘yung mga hindi nakapanood, sayang dahil na-miss nila ang isang magandang pelikula.

Nova was very good in the film, ganundin si Dante. At maganda ang magi­ging laban nila sa isang film festival na dadaluhan ni Nova sa Hawaii sa buwang ito. May kasalanan pa nga ako dahil akala ko isang mahusay na director/writer ang nasa likod ng pelikula, kaya ito maganda. Pero isang baguhan at hindi pa kilala sa kanyang trabaho ang nasa likod ng First Ko si Third. Mabuhay ka Real Florido, ang galing mo!

Kris sobrang yaman talaga, afford mamigay ng milyun-milyong sasakyan

Napakagalante talagang kaibigan ni Kris Aquino at obvious na napakayaman niya. Biruin mo, isang sasakyang Hummer na milyun–milyon ang halaga ang welcome at birthday gift niya sa kanyang kaibigan at ma­nager rin na si Boy Abunda matapos itong dumaan sa isang na­pa­kalalang karamdaman.

Sa dalawang anak na lalaki ni Kris na sina Josh at Bimby unang nakita ng King of Talk ang nasabing sasakyan na na­gustuhan kaya bilang pasasalamat na rin ni Kris sa mabilis na recovery ng kanyang friend ay ibinigay niya ito sa kaibigan.

Star Awards for Music dinagsa kahit may ‘Luis’

Kahit napakalakas ng ulan at ta­lagang tatanga­yin ang sinumang nagla­lakad sa kalye ng ha­ngin ay naging matagumpay pa rin ang ka­tatapos na 6th Star Awards for Music na ginanap nung Ling­go ng gabi sa Solaire Hotel and Casino na prodyus ng Airtime Marke­ting ni Tessie Celestino.

Talagang multi-talented itong si Maja Salvador. Bukod sa pagiging mahusay na artista, dan­cer, at very recently, singer ay pwede na rin itong asahan bilang host. Nagsilbi siyang host sa nasabing event ng PMPC kasama sina Jake Cuenca, at Christian Bautista and they all did their job very well. May bagong titulo si Maja na kaila­ngang niyang mapangatawanan, ang pagiging Concert Princess. Tinalo niya ang mara­ming dance artists na nag­labas din ng dance album, tulad nina Sam Concepcion, Enrique Gil, Solenn Heu­ssaff, Batchmates, Pop Girls, at Chicsers.

Kung si Kristel Moreno made waves sa nakaraang Star Magic Ball with her very revealing gown, ganundin ang Batchmates na halos dumugin ng kalalakihan dahil pare-pareho ang suot nilang gowns na ang natatakpan lamang ay ‘yung mga private parts nila. Habang ang ibang bahagi ng katawan  nila ay natatakpan lamang ng napakanipis at naaninag na tela.

 

vuukle comment

AIRTIME MARKE

BATCHMATES

BOY ABUNDA

CHRISTIAN BAUTISTA

FIRST KO

ISANG

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with