^

PSN Showbiz

Ruffa in love na uli?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May mga pahiwatig si Ruffa Gutierrez sa presscon ng Second Season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na handa na siya na ma-in love at magkaroon uli ng karelasyon.

Nang sabihin ni Ruffa na ready na siya na magkaroon ng boyfriend, ang kanyang constant companion na si Jordan Mouyal ang hula ng mga reporter na lucky guy dahil sila ang madalas na makita na magkasama.

In denial naman si Annabelle Rama na hindi yata matanggap na magkakaroon na uli ng boyfriend ang kanyang unica hija.

Pagdating sa love life ni Ruffa, lumilitaw ang pagi­ging over protective mother ni Bisaya at sure ako na isa ito sa mga eksena na nakakaloka na mapapanood sa second season ng kanilang top rating reality show sa E!

Season two ng reality show NG Gutierrez family may mga bagong miyembro

May mga bagong cast member ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, sina Sarah Lahbati, Baby Zion, at Alexa Uichico, ang girlfriend ni Elvis Gutierrez.

Si Sarah ang actress girlfriend ni Richard at si Zion ang kanilang panganay na anak.

Madaragdagan sa susunod na linggo ang miyembro ng Gutierrez family dahil isisilang ni Alexa ang baby girl nila ni Elvis. May pangalan na ang parating na bagong apo na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle. Excited na ang pamilya sa nalalapit na pagdating ng bagets na magiging playmate ni Baby Zion.

Sosyal si Baby Zion dahil naka-formal suit din siya kahapon sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Cute na cute si Baby Zion sa kanyang formal suit na gawa ni Rajo Laurel.

Raymond inaming may pasabog

Ang mga pasabog ni Raymond Gutierrez ang inaabangan ng viewers ng reality show ng kanyang pamilya.

Mismong si Raymond ang nagsabi sa presscon ng It Takes Gutz na kung ang kanyang twin brother na si Richard ang nagpasabog  sa Season 1, siya naman ang may mga pasabog sa Season 2.

Inaabangan ang mga pasabog na sinasabi ni Raymond dahil mataas ang ratings ng bawat exposure niya sa kanilang reality show.

Highest rating episode ng season one ang eksena na nagsusukat si Raymond sa isang tindahan ng mga damit.

Dahil produ na rin, Annabelle mas medaling uminit ang ulo

Wala nang kasosyo sa season two ang Gutierrez family dahil si Annabelle at ang kanyang anak na si Richard ang mga producer ng kanilang reality show sa E!

Feel na feel ni Bisaya ang pagiging producer dahil nakatutok siya sa lahat ng mga gastusin.

Aminado si Bisaya na may mga pagkakataon na mainit ang kanyang ulo at palaging nakasigaw dahil siya ang in charge sa budget.

Hindi madali ang maging producer ng isang international television show. Pati ang mga isusuot na damit ng kanyang asawa, mga anak, at mga apo, pinapakialaman ni Bisaya. Hindi pa kasama ang problema niya sa catering, etc.

Hindi affected ang mga anak ni Annabelle ng mga emote nito. Nasanay na sila sa ugali ng kanilang ina na mabilis na uminit ang ulo pero mabilis na lumamig.

Hoping nga ang mga anak ni Annabelle na sila naman ang magiging producer ng Season 3 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez para ma-relax at hindi na makaramdam ng stress ang nanay nila.

 

vuukle comment

ALEXA UICHICO

ANNABELLE

BABY ZION

BISAYA

DAHIL

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

KANYANG

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with