^

PSN Showbiz

Bong ayaw nang padala sa hospital kahit mas grabe ang atake

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi matutupad ang birthday wish ni Sen. Bong Revilla na sa labas na ng PNP Custodial Center mag-celebrate ng birthday.

Sa September 25 ang actual birth date ni Sen. Bong. Hoping sana ang senador na matutupad ang pinagdarasal niya dahil wala naman daw malakas na ebidensiya na magpapatunay na tumanggap siya ng datung mula sa sinasabing Pork Barrel scam queen maliban sa testimony ng whistle blower na si Benhur Luy na paiba-iba rin daw naman ang sinasabi.

Naging tradisyon sa showbiz ang pagpa-party ni Sen. Bong tuwing birthday niya kaya maraming mga kaibigan niya ang lungkot na lungkot na ngayong taon ay sa kulungan siya magbi-birthday.

Pero I’m sure dadagsa ang mga kaibigan niya sa Custodial Center kung saan ‘magkapit-bahay’ sila ni Sen. Jinggoy Estrada na isinasangkot din sa Pork Barrel scam.

Samantala, mas grabe raw ngayon kung atakihin ng migraine si Bong. May mga pagkakataon na gusto na raw dalhin ang senador sa hospital ng mga doctor ng PNP pero mismong ito raw ang tumatanggi dahil baka ma­ging isyu pa. Tinitiis na lang daw nito at nagpapa-inject na lang ng painkiller para mawala ang sakit ng ulo.

Minsan daw isang madaling araw, ginigising ng security si Jinggoy dahil talaga raw matindi ang atake ng sakit ng ulo ni Sen. Bong. Kailangan daw yatang dalhin sa hospital. Pero hindi pa rin daw nagpadala si Bong. Nagpa-inject na lang daw ito ng gamot para mabawasan ang sakit. Binantayan na lang daw ito ni Jinggoy.

Wala naman daw magawa si Bong dahil nga bukod sa mainit sa lugar na pinaglagakan sa kanila (na buti na lang at lately ay maulan), isip siyempre siya nang isip kung anong kakahinatnan ng kanilang kaso – Sen. Jinggoy and Sen. Enrile – na parang hindi na masyadong pinag-uusapan ang Pork Barrel scam pagkatapos na makulong sila.

Nagmana kay Sen. Bong ang anak niyang si Jolo na grabe rin kung atakihin ng migraine.

Advance happy birthday Sen. Bong.

Jinggoy tinulungan si Tia Pusit

Speaking of Jinggoy, buti pa siya na kahit nasa loob ng Custodial Center, nagbigay pala ng tulong kay Tia Pusit na matagal nang nanghihingi ng financial assistance.

Ang sabi ng source, nalalapitan pa rin si Jinggoy ng ilang taga-showbiz na nangangailangan ng tulong tulad nga nitong sa kaso ni Tia Pusit na matagal-tagal na ring may sakit kaya kinakapos na sa gastusin. Nanghingi ng tulong ang pamilya ni Tia Pusit na ginamit na pang-opera. Nangailangan ang ko­medyana na nagkaroon kidney failure and aortic aneurysm ng P1 million para sa operation.

Bago ang balitang may sakit si Tia Pusit ay maugong ang usapan noon na nagpa-plano siyang pakasal sa mas batang boyfriend niya. Dinadamayan pa kaya ng BF na ito ang girlfriend na komedyana na nakaratay ngayon sa banig ng karamdaman?

At ‘yung iba kayang artista na nagbigay sa ice bucket challenge, tumutulong din kay Tia Pusit?

Anyway, at least si Sen. Jinggoy tumutulong pala. 

Direk Mark kinumpirma ang pagdalaw ni Carla kay Tom

Wala naman palang dapat ika-worry ang programang Basta Everyday Happy sa pagsisimula ng game show na Don’t Lose the Money, hosted by Tom Rodriguez. Hindi matsutsugi ang programa. Mas mapapaaga lang ito at mapupunta nga sa iho-host na game show ni Tom ang original timeslot ng programa nina Chef Boy Logro, Donita Rose, Gladys Reyes, and Alessandra de Rossi.

Mismong si Direk Mark Reyes, ang director ng sisimulang Don’t Lose the Money ang nag-confirm tungkol dito.

Bukod sa Don’t Lose the Money, si Direk Mark na rin ang magdidirek ng second season ng dance show ni Ma­rian Rivera na Marian. Plus meron pa siyang The Half Sisters at siya rin ang may hawak sa sisimulang talent show na Bet ng Bayan hosted by Regine Velasquez and Alden Richards.

Ayon kay Direk may alternate directors naman siya.

Kamakailan lang kasi ay na-mild stroke ang director pero nang makaharap naman namin siya ay wala na siyang dalang tungkod.

 “Meron na akong alternate directors. It’s really hard to run the four shows!” sabi niya. Binabantayan na raw niya ang kanyang kalusugan. “GMA naman knows na kailangan kong magpahinga,” sabi ni Direk. Meron na rin daw siyang day off. “Ayaw naman nilang may mamatay sa trabaho!,” biro pa niya.

Bilang director ng Don’t Lose the Money and Bet ng Bayan, pareho siyang bilib kina Tom and Alden kahit mga baguhan pa lang sa kanilang mga ginagawa.

“Just like Tom in Don’t Lose the Money, magugulat din kayo kay Alden. He’s perfect at walang kaere-ere,” sabi niya pa.

Pareho siyang nakapag-taping na ng dalawang programa kaya may nangumusta kung dumadalaw ba si Carla Abellana kay Tom sa taping?

“What I can confirm is that dumalaw si Carla once. ‘Yun lang ‘yon. Dalaw lang! Dumalaw nu’ng pilot. That’s all. ‘Yung tsismis, wala eh. Sorry hindi ko alam!” natatawang kuwento ni Direk.

Mas maunang eere ang Don’t Lose the Money next week at sa October naman ang Bet ng Bayan. ‘Yun namang Marian na siya ang director ay eere na rin next week para sa simula ng second season ng dance show ni Marian. Ang Half Sisters naman ay tuloy ang taping dahil nag-click ang team up nina Barbie Forteza and Andre Paras.

vuukle comment

BONG

CUSTODIAL CENTER

DAW

JINGGOY

LANG

LOSE THE MONEY

NAMAN

SEN

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with