^

PSN Showbiz

Daniel hindi pa alam kung tuloy sila ni Kathryn sa Pangako

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Certified blockbuster hit ang pelikulang She’s Dating the Gangster na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipinalabas kamakailan. Noong isang linggo ay pumirma na si Daniel ng bagong kontrata sa Star Cinema kaya muli raw silang magkakatambal ni Kathryn sa pelikula. “Itong isang movie namin na next ni Kathryn, masaya kong sinasabi na Direk Cathy (Garcia-Molina) po ulit ang direktor,” bungad ni Daniel.

Bukod sa isang bagong pelikula ay isang bagong teleserye pa ang pinaghahandaan ng dalawa ngayon. Napababalitang sina Kathryn at Daniel ang magbibida para sa remake ng hit teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. “Ngayon, hindi pa ako sigurado  talaga. Hindi ko alam kung ano pa, kasi wala pa kaming meeting na gagawin namin ‘yung teleseryeng ‘yun. Ang alam ko lang ay may teleserye kaming gagawin na kasama si Kathryn sa first quarter ng 2015 at ‘yung direktor namin, si Direk Rory (Quintos) po ulit,” pagbabahagi ni Daniel. Matatandaang si Rory Quintos ang naging direktor ng Princess and I na pinagtambalan din nina Kathryn at Daniel.

Samantala, ngayong hindi pa nagsisimula ang mga bagong proyekto ni Daniel ay masaya raw ang Teen King na nakapagbabakasyon siya kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sam nahihiya na kay Shaina

Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang unang magpahayag ng kanyang hangarin si Sam Milby kay Shaina Magdayao. Nagpaalam pa noon si Sam sa kaibigang si John Prats na sinasabing nakarelasyon din ng aktres. Walang namagitan kina Sam at Shaina at nanatiling magkaibigan lamang ang dalawa.

Noong isang buwan ay nabanggit ng aktres sa isang pahayag na patuloy silang lumalabas ni Sam. Nagbigay na rin ng pahayag ang aktor na marami naman daw silang kasamang kaibigan kapag lumalabas sila ni Shaina. Nang pumutok ang balita tungkol sa pagdi-date diumano ng dalawa ay nahihiya na raw ngayon si Sam sa dalaga dahil sa mga isyung naglalabasan. “Actually, nahihiya ako kay Shaina. Kilala n’yo ako, hindi talaga ako magaling sumagot sa mga tanong. That’s the honest truth. And I feel so bad, it comes off wrong sometimes. And ako, I really value my friendship with Shaina,” nakangiting pahayag ni Sam.

“She’s one of the nicest people you will ever meet. I’m very happy with where our friendship has come, and ayoko masira ‘yung friendship dahil sa mga issue,” giit pa ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

DANIEL

DANIEL PADILLA

DATING THE GANGSTER

DIREK CATHY

DIREK RORY

JERICHO ROSALES

JOHN PRATS

KATHRYN

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with