^

PSN Showbiz

Toni gustong maging engaged bago mag-menopause

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos mag-propose ng kasal ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera ay sinundan naman ito ng proposal ni Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista kamakailan. Dahil sa magkasunod na engagement ay marami tuloy ang nagtatanong kay Toni Gonzaga kung kailan na magaganap ang kanilang engagement ni Direk Paul Soriano. “Bago siguro ako mag-menopause. ‘Yan ang deadline ko, baka siguro magfi-fifty na ako at wala pa rin, aba eh magpapa-surrogate na ako,” natatawang pahayag ni Toni.

Kahit matagal nang kasintahan ng aktres ang direktor ay hindi naman daw sila nagmamadaling magpakasal. “Sinong nauuna, siya pa ang nahuhuli. Sinong nahuhuli, siya pa nauuna. Di ko minamadali, darating ‘yun. Hindi minamadali ang ganyang bagay. Maganda ‘yung tamang-tama, kaysa ‘yung madali tapos hilaw,” paliwanag ng dalaga.

 Ipinauubaya na raw ni Toni ang taong ito para sa mga magkasintahan na nagkaroon ng engagement kamakailan. “Ibigay na natin sa lahat ng na-engage this year, taon nila this year. Ibigay na natin sa kanila. Ako anytime, hindi ako nagmamadali. Kung hindi this year, next year okay lang hanggang ‘di ako menopause,” giit ni Toni.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ng Multimedia Star ang kanyang nalalapit na concert sa MOA Arena. “I’m excited to perform big ideas. In terms of new ideas na hindi pa talaga natin nakikita sa concert scene. Giving them a concert, we want them to have a different experience watching Celestine,” pagtatapos ng aktres.

Jane hindi feel na may ka-love team

Maraming bagay daw talaga ang natutunan ni Jane Oiñeza sa kanyang pananatili sa loob ng Pinoy Big Brother house kasama ang ilan pang housemates. Ngayong nakalabas na si Jane ay labis ang pasasalamat ng dalaga dahil sa kanyang naging karanasan dito. “I can say that kasi ‘yung buong PBB journey ko, it’s all about learning. Ang dami kong natutunan. I can say na nag-mature din ako. I’ve learned a lot from Kuya and from my other housemates,” bungad ni Jane.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida na ang aktres sa isang teleserye kasama ang housemates na sina Joshua Garcia at Loisa Andalio, sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. “Sobrang excited kasi first time ko rin na magbibida sa isang teleserye at nakakagulat kasi ang bilis dumating agad ‘yung blessings. Kakalabas ko lang ng bahay and excited na ako mag-work with my co-actors. Excited na rin ako mag-start ng taping,” nakangiting pahayag ni Jane.

Kung siya ang masusunod ay mas pipiliin daw ni Jane na mag-solo sa mga proyekto kaysa magkaroon ng kapareha. “Siyempre it would be an honor na kung ako lang kasi ibig sabihin kaya kong tumayo na kahit walang pair, pero siyempre masaya rin naman na magkaroon ng love team. Hindi ko pa rin naman ‘yun nata-try pero siguro mas confident ako do’n sa mag-isa ako,” giit ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

DINGDONG DANTES

DIREK PAUL SORIANO

HEART EVANGELISTA

IBIGAY

JANE OI

JOSHUA GARCIA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with