^

PSN Showbiz

Mama Mary loves you: Aktres na naubos ang mga naipundar at nawala sa wisyo dahil sa lalaki, nagkakalaman na uli ang wallet

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Unti-unti nang nakababawi ngayon sa pampinansiyal na aspeto ang isang pamosong aktres. Para kasi siyang binagyo nu’ng mga nakaraang taon dahil nawalan siya ng bahay, ang naipundar niyang condo unit ay nawala rin, parehong kinain ng laho dahil sa kanyang pagpapabaya.

Dating organisado ang aktres na ito. Maasikaso siya sa bahay, sa kanyang career, napakadiretso ng mga panuntunan niya sa buhay.

Pero dahil sa isang maling pakikipagrelasyon ay umikot nang pabaligtad ang buhay ng aktres. Bumagsak ang kanyang popularidad, walang pumapasok na biyaya sa kanyang kaban, hanggang sa mapabalita nang meron siyang pinagkakaabalahan na hindi naging positibo sa kanyang karera at personal na buhay.

Maraming dila ang napagod sa pagpapaalala at pagpapayo sa kanya, maraming kaibigan niya ang nabigo para sa kanyang pagbabago, hanggang sa isang araw ay siya na mismo ang nagising sa katotohanan na walang mangyayari sa kanyang buhay kundi siya kikilos at magbabago.

Ang una niyang pagtatangka ay bigo. Nandu’n na ang lahat ng oportunidad na kailangan niya pero sinayang pa niya. kinalaban niya ang produksiyong una sanang magbibigay sa kanya uli ng pagkakataong makabawi.

Mabuti na lang at palaging may ikalawang pagkakataon para sa mga taong gustong magbago. Maraming napapansin ang manonood sa kanyang pagganap ngayon pero itinuloy niya ang paglaban.

Ngayon ay nagkakalaman na uli ang kanyang wallet, meron nang pumapasok na biyaya sa kanya, dalangin ng mga nagmamalasakit niyang kaibigan ay dumiretso na sana nang tuluy-tuloy ang kanyang buhay.

Huwag na sana niyang balikan ang kanyang pinagkaabalahan nu’n na sumimot sa kanyang mga pinaghirapan. Taon na naman ang kanyang bibilangin bago mabawi ang lahat ng mga nawala sa kanya, pero ang pinakamahalaga ay papunta na uli siya du’n, huwag na sanang lumiko uli ang direksiyong tinatahak niya ngayon.

Sabi ng isang kaibigan naming tagahanga ng aktres na ito, “Pakisabi lang sa kanya to continue praying. Mama Mary loves her.”

Set ng Talentadong Pinoy parang ekstensiyon ng bahay nina Robin at Mariel

Hanggang sa taping ng Talentadong Pinoy ay asikasung-asikaso ni Mariel Rodriguez ang kanyang mister. Eks­tensiyon ng kanilang tahanan ang studio ng talent search, siya talaga ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan ni Robin Padilla, misis na misis talaga ang magandang TV host.

Dinodoble ng produksiyon ang kanilang taping ngayon, may tatapusing pelikula kasi si Robin para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at paalis naman si Mariel para bisitahin ang kanyang pamilya sa Amerika, tatlong linggo silang pansamantalang magkakahiwalay nang pisikal.

Hindi pa naman sanay sina Robin at Mariel sa ganu’ng sitwasyon, magkasama silang nagbabakasyon, kung nasaan si mister ay nandu’n din si misis.

Kuwento ng aming kasamahan sa TV5, “Napakaganda ng samahan nila. Bago sumalang si Robin sa Talentadong Pinoy, aayusin munang mabuti ni Mariel ang appearance niya. Ki-kiss naman si Binoe bago magpunta sa backstage, ang sarap-sarap nilang tingnan.

“Natutulog si Robin sa studio, si Mariel lang ang umuuwi, kina-career talaga ng action star ang pagiging host ng Talentadong Pinoy.

“Binabasa niya ang info sheet ng mga contestants, kinikilala niyang mabuti ang kanilang mga kalahok, kaya kapag nasa ere na sila ay parang matagal nang kakilala ni Robin ang mga talentadong kababayan natin.

“Mahal na mahal ni Robin ang show, napakasarap niyang katrabaho, kaya mahal na mahal din siya ng buong production,” papuri sa action star ng kanilang Business Unit Head na si Sir Anthony Pastorpide.

 

vuukle comment

BUSINESS UNIT HEAD

KANYANG

MAMA MARY

MARAMING

MARIEL

NIYA

ROBIN

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with