^

PSN Showbiz

Engaged na rin Zsa Zsa at Conrad nakisabay sa uso!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Natitiyak naming isa si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa mga tatayong ninang sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. In case na hindi n’yo alam, si Sen. Santiago ang naging tulay kung bakit nagkakilala at nagkalapit ang senador at ang singer-actress-TV host.

Siguradong masaya ang matapang na senadora na engaged na ngayon sina Sen. Chiz at Heart.

Natitiyak din namin na magi-effort ang engaged couple na puntahan at bisitahin ang mga magulang at pamilya ni Heart matapos mag-propose si Sen. Chiz kay Heart sa kanilang ancestral house sa Sorsogon in the presence of the senator’s fami­ly and friends at maging ng ilang kaibigan ni Heart na nagtungo pa ng Sorsogon to witness the me­morable moment.

Marami ang nagsasabi na engaged na rin ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang nobyong si Architect Conrad Onglao dahil sa post ng singer-actress kung saan ipina­kita nito ang kanyang daliri na may suot na engagement ring la­lupa’t lumulutang na rin ang balita na nagbabalak nang pakasal ang dalawa.

Kung si Sen. Miriam Defensor ang naging bridge nina Sen. Chiz at Heart, ang megastar at best friend ni Zsa Zsa na si Sharon Cuneta naman ang naging tulay sa pagitan nina Zsa Zsa at Architect Conrad.

Cristina tinanggihang makasama si Dennis

May basbas si Tacloban mayor Alfred Romualdez sa kanyang asawang si Cristina “Kring-Kring” Romualdez sakali mang gustuhin nitong magbalik showbiz at sa kanilang fourteen-year-old daughter na si Sofia na pasukin na rin ang music scene dahil mahilig itong kumanta at mag-compose.

 “Mas maganda ang boses ni Sofia kaysa sa akin,” natatawang pahayag ni Kring-Kring na hindi lamang First Lady ng Tacloban kundi isa ring konsehala at negosyante.

Kahit may basbas ang kanyang mister, very choosy pa rin si Kring-Kring sa proyekto at role na kanyang tatanggapin kung saka-sakali. Sa Tacloban pa sila nakabase kaya talagang pinag-iisipang maigi ni Cristina.

Inalok si Kring-Kring na maging bahagi ng bagong TV drama series ni Dennis Trillo sa GMA pero ito’y kanyang tinanggihan dahil sa conflict ng schedule.

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

ARCHITECT CONRAD

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CRISTINA

KRING

KRING-KRING

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with