^

PSN Showbiz

Gerald excited maging abogado!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong teleserye ang nakatakdang gawin ngayon ni Gerald Anderson, ang Nathaniel. Isang bagong child wonder ang ipakikilala sa nasabing palabas. “I’m very excited, kakaibang show siya. So it’s a show about values, family, redeeming factor, inspiration like lagi kong sinasabi sa mga dating interviews. I would love to be part of a show like this and ito na ‘yun . So I’m excited,” nakangiting pahayag ni Gerald. “I’m just excited sa mga values na pwede naming ituro sa mga tao, sa mga bata. Kasi sa panahon natin ngayon, ang dami nating pinagdadaanan na mahirap, ang dami nating controversies, ang dami nating hirap sa buhay, at least ‘pag pinanood nila ‘yung show na ‘to at least gagaan ‘yung loob nila and at least for the night mag-enjoy sila,” dagdag ng aktor.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap si Gerald bilang isang abogado. “As an actor exciting siya kasi iba-ibang roles ang ginagawa ko and for the show ang dami kong research na gagawin. Kasi siyempre unang-una lawyer siya, so technical and acting wise ang dami kong kailangang i-research for the role, preparation ‘yun ang pinaka-important, preparation,” pagtatapat ni Gerald.

Si Shaina Magdayao ang makakatambal ng binata sa bagong proyektong ito. “First time, she’s a great actress so I’m excited kung ano ‘yung matutunan ko sa kanya,” giit ng aktor.

Morissette gustong idistansya ang sarili kay Saraah

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata sa Star Records ang The Voice finalist na si Morissette Amon kaya isang launching album ang nakatakdang gawin ng singer ngayon.  Noon pa pinagkukumpara sina Morissette at ang The Voice coach niyang si Sarah Geronimo. Marami ang nagsasabing magkahawig ang dalawa at pilit diumanong ginagaya ni Morissette ang Popstar Princess. “At first, ‘Wow! Compared ako sa idol ko!’ Kasi idol na idol ko si Sarah. As time went by parang mahihirapan yata tayo sa pagbi-build up sa sarili ko kaya medyo nasasaktan din pero constructive criticisms. Let them all in, I’ll try to look for myself better.”  paliwanag ni Morissette.

Iginiit din ng dalaga na mayroon silang mga pagkakaiba ni Sarah pagdating sa istilo ng pagkanta. “Dati nagbibirit si Sarah, ngayon she is slowly relaxing her voice and she is exploring more of what she can do. Ako, I am still looking at na-discover ko na nagwi-whistle ako, na I think hindi ko pa rin narinig si coach na nag-whistle. Tapos I have also done theater dati na I think is also an edge,” paliwanag ni Morissette.                            Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

ISANG

KASI

MORISSETTE

MORISSETTE AMON

POPSTAR PRINCESS

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with