^

PSN Showbiz

Pacman parang hindi na kinakapitan ng jetlag

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang promo tour ni Congressman Manny Pacquiao para sa coming soon boxing fight nila ni Chris Algieri sa Macau.

Kababasa ko lang na nagpunta si Papa Manny sa Macau tapos biglang nasa Shanghai na siya then, nag­lalaro na ng basketball sa San Francisco, California.

Parang takot kay Papa Manny ang jetlag dahil itsurang pagod siya, ang sigla-sigla ng kanyang katawan. Nagagawa pa niya na makipaglaro ng basketball sa mga Fil-Am.

Sandali na lang ang paglalamyerda ni Papa Manny dahil magiging busy na uli siya sa boxing training niya. Napakabilis ng araw kaya walang dapat ikainip ang boxing fans na excited nang mapanood ang laban nila ni Algieri sa November 22.

Anggulong love triangle sa pagpatay kay Pastor parang teleseryeng sinusubaybayan

Sina Dra. Loi Estrada at ang kanyang anak na si Jude ang nadatnan ko nang dalawin ko sina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center noong Huwebes.

Naroroon din si Lani Mercado at ang kanyang anak na si Bryan na tinanong ako kung nasusubaybayan ko ang imbestigasyon sa murder case ni Enzo Pastor.

Oo naman ang sagot ko dahil binabasa ko talaga ang lahat ng mga report tungkol sa pagpatay sa international car racer noong June 2014.

Kilala ni Bryan ang biktima dahil mahilig din siya sa car racing.

Pinag-uusapan ang kaso ng pagpatay kay Pastor dahil suspect ang kanyang asawa at ang kaibigan niya.

Pinaghihinalaan na love triangle ang ugat ng pagpaslang kay Pastor dahil lumalabas sa mga imbestigasyon na may relasyon sa  kaibigan niya ang kanyang misis na mestiza at maganda.

Hindi pa nahahanap ng mga pulis ang asawa ni Pastor. May mga nagsasabi na naririto lamang siya sa Pilipinas, kasama ang mga anak nila ng biktima.

Hindi na makontak ang suspect ng kanyang mga kaibigan dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag at text. Sarado na rin ang kanyang Facebook account.

Popular na mga tao ang mga sangkot sa murder case kaya para itong teleserye na sinusubaybayan ng mga interesado na malaman ang the truth and nothing but.

Singer-actor na exhibitionist, ‘di pa rin mabuko ang kabadingan

Mama Salve, aminin mo, very intriguing ang smile ng ating common friend nang kulitin natin ito tungkol sa tunay na sexual preference ng singer-actor na kaibigan niya.

My lips are sealed ang acting ng ating friend. Blangko rin ang kanyang facial reaction. Lalo tuloy akong nagduda na may bahid ng katotohanan ang mga tsismis tungkol sa singer/actor na napagbibintangan na exhibitionist dahil mahilig maghubad at magpakita ng hubad na katawan.

Masuwerte ang singer/actor dahil loyal friend ang common friend namin. Sure na sure ako na alam ng aming common friend ang lihim ng singer/actor na inaabangan ang paglaladlad tulad nang ginawa ni BB Gandanghari noong Rustom Padilla pa ito at ng kapatid ni Chariz Solomon na si Fifth Pagotan.

Heart marami pang sasabihin tungkol sa kanilang engagement

Today is Saturday. Huwag ninyong kalimutan na panoorin ang Startalk na nagsisimula na tuwing 4:30 pm dahil sa aming exclusive joint interview sa mag-dyowang Heart Evangelista at Senator Francis Escudero.

Siyempre, tungkol sa kanilang engagement at February 2015 beach wedding ang topic ng interview ng Startalk kina Heart at Papa Chiz.

vuukle comment

BONG REVILLA

CHARIZ SOLOMON

CHRIS ALGIERI

CUSTODIAL CENTER

DAHIL

ENZO PASTOR

KANYANG

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with