^

PSN Showbiz

Female personality sa harap lang ng kamera galante, pamasko sa mga katrabaho parang relief goods

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kilalang-kilala sa pagiging paboloso ang isang sikat na babaeng personalidad. Kung magregalo siya sa kanyang mga kaibigan ay bonggang-bongga talaga, puro branded ‘yun, hindi siya nagreregalo ng mga gawang-’Pinas.

Kapag nakatuwaan niya ang isang artista ay mabilis siyang magdesisyon sa harap ng mga camera ng telebisyon, nagbibigay siya ng daang libong pambili ng kagamitang wala pa ang kanyang iniinterbyu, ganu’n siya ka-generous.

Malaki rin ang pakinabang sa sikat na female personality ng kanyang mga katrabaho, kapag naglilipat-bahay kasi siya ay ipinamimigay lang niya ang kanyang mga mamahaling muwebles, hindi siya nagdadala ng mga lumang furnitures sa lilipatan niyang bagong bahay.

Pero sa kabila ng kanyang kabonggahan sa pagreregalo ay may napapansin ang ibang mga nakakasama niyang madalas, kapag dumarating ang Pasko ay parang sumisikip ang kanyang mga palad, nagiging boksingero na siya at hindi karate expert sa pagiging kuripot.

Kuwento ng isang source, “Maganda ang packaging ng regalo niya, bongga ang box, hindi mo ‘yun itatapon dahil maganda. Pero kumustahin mo naman ang laman ng kahon?

“Pinagsama-samang produktong ine-endorse niya ang nandu’n. May shampoo, detergent, tela, canned goods, sabon at kung anu-ano pang siya ang endorser.

“E, ang binibigyan niya nu’n, ‘yun ang mga taong nagseserbisyo sa kanya sa buong taon sa mga shows at raket niya. Porke ba walang mga camera, hanggang du’n lang ang kaya niyang iregalo sa mga taong malaki ang pakinabang niya?” pang-uurirat ng aming impormante.

Nakakaaliw na kuwento. Ubos!

Heart nalampasan na ang lahat ng sakripisyo sa pamilya para kay Sen. Chiz

Kumpleto na ang kaligayahan ngayon ni Heart Evangelista. Nagkausap-nagkasundo na sila ng kanyang ina. ‘Yun na lang kasi ang kulang para mapuno ng kaligayahan ang puso ng aktres, walang anak na magiging kumpleto ang saya sa pakikipagrelasyon kapag may kontra sa kanyang pamilya, lalo na kung ang kanyang magulang ang hindi sang-ayon sa kanyang mahal.

May isang taon ding hindi nag-usap si Heart at ang kanyang mommy. May mga okasyon ang kanilang pamilya na pati mga kamag-anak nila’y nandu’n, si Heart lang ang wala, hindi siya imbitado.

Unang nagbaba ng banderang puti ang ama ni Heart, pero ang kanyang ina ay nakipagtikisan, hindi pa rin nakakalimutan ni Mommy Cecile ang rebelasyon nilang mag-asawa nu’n tungkol sa kagaspangan ng ugali at kilos ni Senator Chiz Escudero kapag nakakasama ito ni Heart sa kanilang bahay.

Ipinaglaban ni Heart ang kanilang relasyon ng mambabatas, pinatunayan ni Heart na mali ang pagkakilala ng kanyang mga magulang kay Senador Chiz, panahon ang naging duktor sa kanilang pagkakasundo.

Ngayon ay puwede nang sabihin ni Heart na maligayang-maligaya siya sa alok na kasal ng kanyang boyfriend na pulitiko. Wala nang hadlang sa kanilang relasyon, tanggap na ng kanyang mga magulang ang sinserong pagmamahal sa kanya ng senador, happy Heart na talaga siya ngayon.

Ito ang pakikipaglaban na alam naming pahahalagahan naman ni Senador Chiz. Lahat ay kinalaban ni Heart para sa kanilang pagmamahalan.

Magiging napakasakit para kay Heart Evangelista kapag dumating ang isang umaga sa kanyang buhay na mali pala ang ginawa niyang pakikipaglaban.

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

HEART

HEART EVANGELISTA

KANYANG

SENADOR CHIZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with