^

PSN Showbiz

Attention Vic Sotto Pauleen lumolobo na ang katawan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Medyo naalarma ako sa mga feedback na natanggap ko noong Huwebes tungkol kay Pauleen Luna kaya pinadalhan ko siya ng text message.

Hindi sumagot si Pauleen. Puwedeng naimbyerna siya sa text message ko kaya dinedma niya ako.

Nag-worry kasi ako sa mga feedback na lumolobo ang katawan ni Pauleen at napapansin ito ng viewers ng Eat Bulaga.

Bilang manager ni Pauleen, concerned ako sa kanyang physical appearance. Ayokong dumating ang raw na siya naman ang mag-e-emote sa pagkakaroon niya ng unwanted fats sa katawan.

Hindi man nag-reply si Pauleen, alam ko na nakarating sa kanya ang message ko at enough na ‘yon para magmuni-muni siya.

Mga taga-Tacloban nananabik na kay Pope Francis

Holiday noong Huwebes at may kalayuan ang Intramuros kaya hindi ako pumunta sa imbitasyon na presscon para sa mag-asawang sina Tacloban City Mayor  Alfred Romualdez at  Councilor Cristina Gonzales.

Humarap sa entertainment press ang magdyowa para sabihin ang mga pag­hahanda nila para sa nalalapit na pagdating ni Pope Francis sa Tacloban City.

Nabuhayan ng pag-asa ang mga residente ng Tacloban City nang malaman nila na mismong si Pope Francis ang may gusto na bumisita sa kanilang lugar.

Hindi lamang ang mga taga-Tacloban City ang excited sa Papal visit ni Pope Francis. Pati ang buong Pilipinas, sabik na sabik sa pagdalaw ng isa sa mga pinaka-charismatic na Santo Papa.

Bagong edition ng Starstruck, raratsada na

Nag-shoot na ng TV plug ang Starstruck stars  para sa nalalapit na comeback ng sikat na talent search show ng GMA 7.

Kinunan ang TV plug sa GMA Network Center noong Huwebes.

Magsisimula sa September ang nationwide auditions ng Starstruck kaya aligaga na sa paghahanda ang mga bagets na nangangarap na maging artista.

Sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Sarah Lahbati, Rocco Nacino, at Kris Bernal ang ilan sa winners at avengers ng Starstruck.

Wala sa TV plug shoot ng Starstruck si Aljur Abrenica at alam na ng lahat ang dahilan.

Jet7 masasarap ang pagkain

Maraming salamat sa management ng Jet7 Bistro dahil tinupad nila ang promise na padadalhan ako ng pagkain.

Natikman ko na naman ang masasarap na pagkain ng Jet7 Bistro sa pocket presscon ng Throwback Thursday noong Lunes.

Ang Throwback Thursday ang birthday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum sa August 28. Madaling mahanap ang Jet7 Bistro dahil katapat na katapat ito ng parlor ni Bambbi Fuentes sa Timog Avenue, Quezon City.

Aktor binugbog ng isang nabubuwisit lang

May kumakalat na tsismis na nakatikim ng pisikal na pananakit ang aktor mula sa isang  tao na nairita sa kanya.

Malalaman natin ang katotohanan kung magsasalita ang aktor o dededmahin  nito ang alleged traumatic experience.

May mga nagsasabi na totoong nangyari ang insidente pero bale-wala ang kanilang mga kuwento, unless, manggaling sa aktor ang kumpirmasyon.

Mariah single na pagbalik ng ‘Pinas

Single na babalik sa Pilipinas si Mariah Carey sa October dahil hiwalay na sila ng kanyang mister na si Nick Cannon.

Si Nick ang nagkumpirma na done deal na ang divorce nila ng kanyang diva singer na misis.

Darating si Mariah sa ating bansa para sa kanyang concert sa Mall of Asia Arena sa October 28.

pang-uurot ni jose kay marian walang epekto

Wa epek ang pang-iintriga ni Jose Manalo kay Marian Rivera na panay ang kain nito ng manggang hilaw na isinasawsaw sa patis.

Laos ang pralala ni Jose tungkol kay Marian dahil sinabi nito na hindi siya buntis, tulad nang gustong tukuyin ng co-host niya sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga.

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

EAT BULAGA

HUWEBES

PAULEEN

POPE FRANCIS

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with