^

PSN Showbiz

Komedyanteng hambog nasampal daw ng pulitiko

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatikim daw ng sampal ang isang komedyante sa isang pulitiko nung minsan. Nairita raw kasi si Mr. Politician dahil sa kayabangan ng komedyante kaya sa inis sa hambog na male comedian, sinampal ito. Wala raw nagawa si komedyante at natameme na lang.

Ni hindi raw ito naka-react at umalis na lang sa harap ni Mr. Pulitiko. Bukod sa napahiya dahil maraming nakakita, malakas daw ang lumanding na sampal dito, sabi ng isang source.

Well, kung napahiya si komedyante tiyak na hindi siya aamin sa insidente. Tiyak na hindi rin naman aamin ang pulitiko dahil minus pogi points ito sa kanyang image kahit sabihin pang nahambugan siya sa komedyante.

Actress nagpi-pills kaya tumataba

Malamang na pills daw ang rason kaya tumataba ang isang female TV host/actress.

May karelasyon kasi si female TV host/actress kaya tiyak na hindi naman daw sila basta lang nagho-holding hands. “Eh takot naman siyang mabuntis (TV host/actress) dahil katapusan na ng career niya. Kaya siguro panay ang toma niya ng pills na ang epekto, lumalaki ang katawan niya,” comment ng kausap ko sa telepono kahapon.

Pansin na pansin na raw kasi ang unti-unting paglaki ng katawan ni actress habang ang karelasyong aktor ay fresh na fresh naman ang hitsura.

Actually parang live in na raw ang set up ng dalawa dahil nga sobra ang pagka-in love ni babae as in todo alaga ito sa kanyang BF na nagkasakit kamakailan.

I Do at Himig Handog sabay ilulunsad

Pangungunahan ni Popstar Sarah Geronimo kasama ang Pinoy freestyle at Parkour Sensation na si Shane Daniels ang nakakaaliw at world-class entertainment ng ASAP 2014 sa Linggo.

Tiyak din kapananabikan ng mga manonood ang musical performance hatid ng Kapamilya singing champs na sina Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Marcelito Pomoy, Erik Santos at ang The Voice grand winner na si Mitoy Yonting kasama sina Janice, Klarisse de Guzman, at Morisette Amon.

Abangan din ang isang matinding production number na pangungunahan ng PBB Big Winner Kim Chiu kasama ang PBB All-In ex-housemates na sina Joshua, Jacob, Fourth, Fifth, Nichole, Aina, Axel, and Manolo. Humanda rin sa makapigil hiningang choreography at stunts na ihahatid ng the World HipHop Champions Hall of Fame Philippine All-Stars.

Kaabang-abang din ang yumayanig na musical showdown ng The Voice Kids - Darren, Juan Karlos, Darlene and Lyca kasama ang naglalakihang Kapamilya Champs na sina Angeline, Jovit, Vina Morales, at Lani Misalucha.

Aapaw sa kilig at saya ang center stage sa pagsalubong sa pinakabagong realiserye ng ABS-CBN na I Do sa pangunguna ng Kapamilya host na si Judy Ann Santos kasama ang I Do couples at ang Kapamilya leading men na sina Sam Milby, Matteo Guidicelli, and Xian Lim.

Samantala, muli namang sariwain ang timeless hits ng Philharmonic Orchestra sa kanilang pinakaaabangan na album launch. Abangan din ang grand launch ng pinakamalaking songwriting competition, ang  Himig Handog P- Pop 2014 tampok sina Juris Fernandez, Marion Aunor, Rizza Cabrera and Seed Bunye, at Jessa Zaragoza.

Mamangha naman sa isang makalaglag pangang vocal performance mula sa musika ng Miss Saigon kasama sina Tanya Manalang, Leo Valdez, at Ima Castro.

Maki-jam sa nakaka-aliw na acoustic sounds ng ASAP sessionistas kasama si Lilet at ang pinakaabangang Karaoke Showdown nina Marcelito, Alex Gonzaga, and Luis Manzano.

Garantisado namang mapapaindak ang mga manonood sa 80s Bagets Mania kasama sina Piolo Pascual, Enrique Gil, Julia Barretto, Jerome Ponce, Bugoy Cariño, Andrea Brillantes at Gimme 5 at sa 90’s Throwback moves nina Julia Montes, Shaina Magdayao, Iya Villania, Aaron Villaflor, at Rayver Cruz kasama ang Universal Motion Dancers kasama sina Wowie, Jim at James Salas.

                                                                                                                             

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

ABANGAN

ALEX GONZAGA

ANDREA BRILLANTES

I DO

KAPAMILYA

KASAMA

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with