^

PSN Showbiz

Aktor na walang utang na loob tinanggal na ng mga direktor sa 2 indie films

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ka-text namin ang talent manager (TM) na nilayasan ng isang aktor two days after manalo ng acting award ng aktor at lumipat sa ibang manager. Sabi ni TM, okay na siya at naka-move on na sa pang-iwan ng dating talent dahil ayaw ma-stress.

Naalala tuloy na sa acceptance speech ng aktor nang manalo ng award, in-acknowledge nito si TM at pinasalamatan nang husto sa tulong sa kanya at kanyang career. Iyon pala, may balak na ang aktor na layasan si TM at ang rason ay para raw mapasama sa teleserye ng isang network.

Gusto nang kalimutan ni TM ang pag-iwan ng aktor sa kanya at kung ito lang ang masusunod, ayaw niyang masulat ang ginawa nito. Pero hindi pumayag ang mga kaibigang naawa sa kanya kaya lumabas ang tungkol dito. Ang mga kaibigang director din ang gumanti para sa kanya dahil balitang inalis siya sa cast ng dalawang indie films na dapat kasama siya.

Sikat na Australian musician excited sa chicken adobo

Ten days sa bansa ang Australian musician/singer-songwriter/guitarist na si Orianthi at isa siya sa foreign performer na matagal ang stay dito at maraming shows na gagawin. Pumayag din si Orianthi na mag-guest sa charity concert na ang beneficiary ay music scholars.

This Friday, ang unang show ni Orianthi sa Chef & Brewer (Ortigas), sa Aug. 25, sa 19th East (Parañaque) siya mapapanood at sa Aug. 27, sa Hard Rock Cafe. Maggi-guest din siya sa Sunday All Stars sa Sunday.

Dahil matagal dito, may time mamasyal ni Orianthi, mag-shopping at kumain ng chicken adobo. Kahit chicken ang pet niya, kumakain pa rin siya ng chicken.

Chynna aminadong isang taon nang tigang

Gusto ni Chynna Ortaleza ang role ni Celine na kanyang ginagampanan sa Dading na kahit mayaman, Ingle­sera at fashionista, hindi pa rin masaya at may kulang sa buhay dahil hindi solo ang lalaking minamahal. Para may suspense, ayaw mag-spoiler ni Chynna sa mang­yayari kay Celine sa ending ng Dading.

Close ang cast ng Dading, ‘pag may time, lumalabas silang sama-sama at dahilan siguro para ma-link sina Chynna at Benjamin Alves. Nagulat, pero itinanggi ito ng aktres, close lang daw sila at pati pala sa close friend niyang si LJ Reyes at kay Jennylyn Mercado nali-link ang aktor.

In real life, zero ang love life ni Chynna after ng break-up nila ni Railey Valeroso. Kung ang ex may GF na, siya ay ni walang suitor.

‘Katuwa lang ang sagot ni Chynna na “medyo” nang tanungin kung feeling niya tigang siya dahil one year na siyang walang BF.

Young actor ayaw mag-workshop kaya ‘di binibigyan ng trabaho

May tampo sa kanyang home network ang young actor (YA) na ito dahil hindi nabibigyan ng bagong soap. Ang sabi raw kay YA, ang mga talents na nagwu-workshop ang priority ng network na bigyan ng show. Hindi makapag-workshop si YA dahil nag-aaral.

Tama lang ang network, unahin ang mga nagwu-workshop dahil kahit maga­ling si YA, iba pa rin kung magwu-workshop siya. Pero walang dapat ikabahala ang network dahil kahit may tampo, wala itong balak lumipat sa ibang network.

Bukod sa may mahaba pang kontrata sa network, masaya rito si YA at lalong sasaya ‘pag nabigyan ng new show. Kaya ang payo ng mga kaibigan kay YA, ayusin ang schedule para makapag-workshop.    

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

CELINE

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

DAHIL

HARD ROCK CAFE

JENNYLYN MERCADO

ORIANTHI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with