^

PSN Showbiz

JM mas gumanda ang aura pagkalabas ng rehab

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maganda na ang rehistro at hitsura ni JM de Guzman na napanood ko na nag-guest sa She’s Dating the Gangster. Mukhang nakatulong nang malaki ang  ginawa niyang bakasyon na sinasabi ng lahat na pagpasok niya sa isang rehab. Bagay ang bagong timbang niya sa magandang aura na nakikita sa kanya. Matutuwa ang marami niyang tagasubaybay na makita siyang muli after ng ilang panahon siyang ‘di naaninag. Kung sa movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay parang dumaan lang siya sa kamera, sa isang serye sa telebisyon ay muling mamamalas ang ipinagmamalaki niyang talento sa pag-arte. Inaasahan na aabangan ng marami ang gagawin  niyang paglabas sa Ipaglaban Mo ng ABS-CBN na nagpapamalas ngayon ng malaking viewership. Katulad ng Maalaala Mo Kaya ay magaganda at totoo ang mga  istorya na napapanood dito at pawang mga pangunahing Kapamilya actors din ang umaarte.

Maxene pinakawalan na ng GMA

Maswerte si Maxene Magalona dahil kahit may kontrata pa siya sa GMA ay pumayag na itong irelease siya ng kanyang network. Matapos ang matahimik na pag-uusap sa pagitan ni Maxene at ng network, pinayagan siyang makalipat nang walang problema saan mang network  niya gustuhin.

Maswerte nang maituturing ang anak ng Master Rapper kaysa sa kapwa niya Kapuso artist na si Aljur Abrenica na malayong mapagbigyan din sa kanyang hinihiling na release. Unang-una na dahil sa halip na makipag-usap na lang nang direkta sa network ay idinaan niya sa demanda ang gusto niyang mangyari sa career niya na hindi raw nagagampaan ng istasyon.

Matteo jackpot kay Sarah

Napaka-swerte naman ni Matteo Guidicelli dahil ang girlfriend niya na si Sarah Geronimo ang unang-una sa lista­han ng pinakamagagan­dang artista  sa bansa. First time ito ni Sarah na manguna sa listahan na dati nang dominado ng mga kapwa niya Kapamilya artist. Kasama niya rin sa listahan ang child star/TV host ng Kapuso network na si Ryzza Mae Dizon.

Sa malas, nabibigyan ng mas malaking confidence ang Pop Princess hindi lamang sa pagkakapili sa kanya bilang pinakamaganda kundi sa pagkakaro’n ng isang love life na masasabing naghahatid din sa kanya ng maraming suwerte. Malaya na itong nakapagsasalita sa kanyang mga interviews at na-acknowledge na rin ang pangyayaring napili siyang pinakamaganda sa  maraming artista natin ngayon.

Mga babaeng kasama ni Paolo sa video scandal, walang tagapagtanggol

Nakakaawa naman ‘yung mga pinagbibintangang nakasama ni Paolo Bediones sa kumakalat na sex video niya. Hindi bale si Paolo dahil sinasagot na siya ng TV5. Sinabi nito na suportado nila ang kanilang news anchor at ang ginawa nito ay itinuturing nila na isang pribadong bagay na hindi na dapat pang pinagpipistahan at ikinakalat pa. Pero ‘yung mga babaeng pinangalanan dahil lang na kamukha nila ‘yung na­ging kapartner ni Paolo sa video, sino ang puprotekta sa kanila? Kung bakit naman kasi kailangan pang kunan ng kamera ang mga ganun ka-pribadong bagay?

Kuya Germs masaya para kay Jake

Very positive ang feeling ni Kuya Germs sa alaga niyang si Jake Vargas na mapapanood sa isang indie film sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi first indie movie ni Jake ang Asintado. Marami na rin itong nagagawang ganitong klase ng pelikula, pero first time na mapapanood ng general public ang pelikula sa Cinemalaya Film Festival. ‘Yung iba ay lumilibot pa rin ng probinsiya at ipinapapanood sa mga estudyante sa  mga iskwelahan. Naniniwala ang Master Showman na nagawang magbigay ng isang natatanging performance ang kanyang batang alaga sa Asintado na idinirek ni Louie Ignacio at nagtatampok kina Aiko Melendez, Gabby Eigenman, Miggs Cuaderno, Rochelle Pangilinan, Rita de Guzman, at marami pang iba.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALJUR ABRENICA

ASINTADO

KUYA GERMS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with