^

PSN Showbiz

Sunshine umayaw magpa-sexy sa men’s mag

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa press launch ng bagong endorsement ni Sunshine Cruz, ang White Glo Grave Away Toothpaste last Thursday lunch, inamin ng actress na wala pa umano sa isip niya sa ngayon ang pagkakaroon ng bagong karelasyon dahil mas focused siya  sa kanyang trabaho at sa kanyang tatlong anak na sina Angel Francheska, Angeline Isabelle, at Samantha Isabelle (sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano). Ito’y bukod pa na nasa proseso pa ang annulment ng kasal niya (of thirteen years) sa kanyang da­ting mister.

“Marami pa rin akong adjustments na ginagawa kasi kalilipat lang namin ng bahay sa Parañaque and even my kids ay lumipat na rin ng school kaya pare-pareho kaming nag-a-adjust. I’m just thankful na sunud-sunod ang duma­ra­­ting sa aking trabaho,” aniya.

On July 28, Sunshine turns 37. Bumati kaya sa kanyang kaarawan ang dating asawa?

Sunshine admits na ang kanyang tatlong anak ang kanyang inspirasyon. She treats them hindi lamang bilang mga anak kundi parang mga kabarkada na rin dahil pare-pareho na silang tinedyer. Nakakatuwa nga kapag magkakasama silang apat, para lamang silang magkakabarkada at hindi mag-iina.

Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng tres marias, napakaganda at napaka-sexy pa rin hanggang ngayon ni Sunshine kaya marami pa ring kalalakihan ang nagpapantasya sa kanya at lalo siyang naging in-demand na celebrity endorser.  Katunayan, after her break-up with husband Cesar Montano, nakakalimang endorsement na siya at kasama na rito ang White Glo Crave Away Toothpaste at Ever Bilena beauty product line.

May mga alok din kay Sunshine na muling mag-pose ng sexy sa ilang men’s magazine pero ito’y tinanggihan niya dahil ayaw ng kanyang mga anak.

 “I also consult my children para at least alam nila,” pahayag ni Sunshine.

Sa sobrang excited na makasama sila JLC anak ni Niño nasobrahan ng aga sa shooting

Dumalaw kami kahapon sa set ng Star Cinema movie na The Trial na pinamamahalaan ni Direk Chito Roño. Tampok na mga bituin sa naturang pelikula sina John Lloyd Cruz, Jessy Mendiola, Gretchen Barretto, Richard Gomez, Enrique Gil, Maricar Reyes, at kung saan naman ipinapakilala ang child superstar-in-the making na si Alonzo Muhlach.

Nagkataon naman na walking distance lamang ang shooting ng The Trial at press launch venue ng White Glo Crave Away Toothpaste ni Sunshine Cruz kaya pareho naming napuntahan.

Super excited ang bagets na si Alonzo sa kanyang shooting ng unang pelikula kaya ito ang pina­kamaagang duma­ting sa set sa lahat ng mga arista.  Sandali rin niyang na-me­morize ang kanyang lines kaya panay ang laro nito sa loob ng kuwarto ng pi­nag­su-shootingang bahay along Sct. Rallos St. in Quezon City.

Matiyaga namang nagbantay kay Alonzo ang kanyang amang si Niño Muhlach, ang yaya ng bata at road ma­nager (RM). Alonzo was in his element na kung hindi kami nagkakamali ay may September playdate na.

Maricar ini-enjoy pa ang asawang si Richard

Sandali naming nakakuwentuhan si Maricar Re­yes sa shooting ng The Trial. Tinanong namin siya kung wala pa silang balak ng kanyang mister na si Richard Poon na magkaroon ng baby at sinabi nito na sa isang taon na nila balak magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya.

Sa ngayon ay pareho umano nilang ini-enjoy ni Richard ang kanilang pagiging mag-asawa at ka­nilang respective careers – si Richard sa kanyang singing career at si Maricar naman sa kanyang acting career.

Bukod sa pelikulang The Trial, si Maricar ay napapanood sa bagong teleserye ng Dos, ang Sana Bukas pa ang Kahapon where she plays the jealous wife to Paulo Avelino na in love naman sa character ni Bea Alonzo na si Rose.

Mas pinaboran ni Maricar ang kanyang showbiz career kesa sa kanyang propesyon na pinag-aralan ng mahabang panahon, ang pagiging isang medical practitioner.

vuukle comment

ALONZO

CESAR MONTANO

KANYANG

MARICAR

SHY

SUNSHINE CRUZ

WHITE GLO CRAVE AWAY TOOTHPASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with