^

PSN Showbiz

Zsa Zsa ayaw na talagang magpapigil

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi masusunod ang pakiusap ni Karylle sa kanyang ina na huwag munang mag-asawa. Mukhang excited na itong maging misis na muli. At kung kay Dolphy hindi siya naging legal na asawa, kay G. Conrad Onglao, matutupad ang pangarap niya. Kahit pa nga sa U.S. ay payag itong makasal, basta makasal lang sila. O paano ba ito Karylle, mukhang wala ka nang magagawa pa. Gusto na ng mommy mo na maging misis na rin. 

LJ tanggap na si KC

Nang tanggapin ni LJ Reyes ang katotohanan na napalitan na talaga siya sa puso ni Paulo Avelino, mas mabilis siyang naka-move on. Madali rin niyang natanggap na bahagi ‘yun ng pagbabago sa kanyang buhay, na hindi niya maiiwasan. Ang mahalaga, he left her with a wonderful gift of a child na hindi naman nito pinababayaan. 

Humanap na lang ng iba, Claudine dapat nang tigilan si Raymart

Nagseselos daw si Claudine Barretto sa abogado ng dating asawa niya? Ibig sabihin ba, love pa rin niya si Raymart Santiago?

Siguro nga oo, dahil ayaw niya itong tigilan. Kahit anong kaso ikinakaso niya rito, para lang ba mapansin siya? Ang siste mo, lalong lumayo ang loob sa kanya ng dating mister niya.

Hay Claudine, talagang kailangan mo nang makipag-ayos kay Raymart para kahit friendship ay may matira sa inyo. Meanwhile kailangan sigurong humanap ka na rin ng ibang makapagpapaligaya sa iyo, dahil at this point, hopeless na ang relationship niyo.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

CONRAD ONGLAO

HAY CLAUDINE

KAHIT

KARYLLE

MUKHANG

NIYA

PAULO AVELINO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with