^

PSN Showbiz

Jennylyn hindi kayang pag-usapan ang planong kasal nina Luis at Angel

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw nakahandang makipagkaibigan muli ni Jennylyn Mercado sa dating kasintahang si Luis Manzano. Nakabalikan na ni Luis si Angel Locsin na ilang taon ding nakarelasyon ng aktor bago pa naging sila ni Jennylyn. “I know masakit kapag break-up talaga. Mahirap makipaghiwalay sa taong talagang nakasama mo nang matagal at mahal mo. Time lang ang makapagsasabi kung kailan kayo magiging ready na para sa isa’t isa, maging friends ulit,” bungad ni Jennylyn. “Siguro ang pinaka-secret lang is time. ‘Yun lang. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan kayo magiging okay ulit,” dagdag ng aktres.

Sa napababalitang planong pagpapakasal na nina Luis at Angel ay nagbigay din ng reaksyon si Jennylyn. “Wala muna, ayoko munang pag-usapan. Wala na ako doon. I wish them well, I wish them well,” nakangiting pahayag ni Jennylyn.

Ayon pa sa aktres ay nagiging kaibigan naman niya ang lahat ng kanyang mga naging kasintahan katulad ni Mark Herras. “Gusto lang naming ipakita sa lahat ng supporters at siyempre ‘yung mga fans namin ni Mark na ‘yung relationship namin, ‘yung friendship namin, talagang solid pa rin. Para ko nang kapatid ‘yan. Parang pamilya na kami. ‘Yung mga ex ko naman, mga friends ko naman. Friends ko naman sila,” paliwanag ni Jennylyn.

Nakarelasyon din ng aktres si Patrick Garcia at nagkaanak din ang aktres dito.

 

Yam umaming niloko ni Ejay Falcon!

Kamakailan ay inamin ni Ejay Falcon sa Kris TV na nakarelasyon nito ang aktres at kasamahan sa seryeng Dugong Buhay na si Yam Concepcion. Ikinagulat daw ni Yam ang pagtatapat ng aktor sa nasabing programa dahil may usapan daw sila ni Ejay na sikreto lamang ang kanilang naging relasyon. “Kasi kaya ko naman dineny dati kasi sabi niya sa akin, huwag ko daw sasabihin. So ako naman, o ‘di sige hindi ko sasabihin. That was just a short-lived romance. Kasi kumbaga, first time ko naman magkaroon ng leading man, so baguhan lahat. We dated five months, naging kami,” nakangiting kwento ni Yam. Ngayon ay wala na raw komunikasyon ang dalawa. “Actually, hindi ko rin alam kung ano ‘yung reason kung bakit natigil. I think, siya ‘yung tanungin n’yo kung bakit. Siya dapat ang mag-explain hindi ako. I think I need an explanation,” natatawang pahayag ng aktres.

Marami raw natutunan si Yam mula sa pakikipagrelasyon sa isang artista. “Siguro kapag non-showbiz ‘yung guy, huwag na. Kumbaga let’s just respect ‘yung privacy niya as a person. Kung showbiz naman ang boyfriend mo, pwede mo naman sabihin, wala namang masama do’n. It’s better to be honest din naman. Katulad dati sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Dine-deny ko pa, dapat hindi naman.’ Dapat just say the truth,” giit ni Yam. Ngayon ay wala raw karelasyon ang aktres. “Mas mabuting choosy. It’s better to be with someone na tama sa iyo, kaysa naman you’ll be with someone who will just waste your time, na lolokohin ka lang,” pagtatapos niya.  Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AKTRES

ANGEL LOCSIN

DUGONG BUHAY

EJAY FALCON

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KASI

NAMAN

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with