^

PSN Showbiz

Tapos na ang pagluluksa Kris nagdusa para humaba uli ang buhok

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa look test ni Kris Aquino para sa Feng Shui 2,  nagustuhan ni director Chito Roño ang black at shoulder length ang hair ng TV host-actress, minimal ang make-up at simpleng manamit. Dahil maigsi ang buhok ni Kris, kailangan niyang magpa-hair extension.

Sabi ni Kris sa Instagram (IG), four hours inabot ang “attaching the extensions, layering the hair and then styling.”

Pati sa TVC shoot ng bago niyang endorsements at sa The Buzz last Sunday, naka-hair extension na rin si Kris dahil ayaw niyang magmukhang luma ang TVC niya dahil hanggang January 15, 2015 daw siya may hair extension.

Anyway, sa mga taga-Dumaguete, abangan n’yo si Kris dahil pupunta siya diyan sa Friday at Saturday para sa Kris TV

Aktres gimik na ang pakikipag-break sa BF kapag may bagong show

Nagpupustahan ang mga reporter sa gagawin ng aktres ‘pag airing na ang bago niyang show kapareha ang maga­ling na aktor. Kung hindi makikipag-break sa BF, magde-deny ang aktres na may boyfriend siya at palalabasing “special friend” lang niya ang aktor at single siya.

Ginagawa ito ng aktres tuwing may show siya lalo na kung bago ang makakapareha, thinking na makatutulong ito sa promotion ng show. Hindi nito alam na buking na ng mga reporter ang gimik niya.

Nagtataka nga ang press kung bakit pumapayag ang BF sa ginagawa ng aktres na tuwing may new show and new partner, idine-deny siya at nagiging sweet lang uli sa kanya ang GF ‘pag natapos na ang show.

Suwerte nga raw ang aktres dahil kahit paulit-ulit ang pananakit sa BF, mahal pa rin siya nito at hindi tuluyang iniiwan. Natawa na ang isa nitong kaibigang reporter dahil sa last na break-up nila ng aktres, ayaw na raw niyang makipagbalikan dito at ayaw nang pag-usapan ang aktres. After a few days, nakitang magkasama na uli ang dalawa at very sweet sa isa’t isa.

Kahit naaksidente na, Angelu isasama pa rin ang anak sa mga taping

Malaki ang pasasalamat ni Angelu de Leon na walang nasaktan sa mga kasama niya sa van na binangga ng Elf truck habang papunta silang Liliw, Laguna sa ta­ping ng Niño last Friday. Kasama pa naman ng aktres ang anak na si Rafa, dalawang yaya at ang kanyang driver.

Nasa Victoria, Laguna ang aktres nang mangyari ang aksidente, binangga ang likod ng kanyang van at bumang­ga pa ang truck sa isang bus. Pinost ni Angelu sa Instagram (IG) ang likod ng kanyang van at kasamang nasira ang rear windshield, bumper at back door.

Naawa pa nga si Angelu sa driver ng truck na nabale ang dalawang binti at ilang pasahero ng bus na nasaktan. Pagkatapos maayos ang lahat, nag-report din sa taping ng Niño si Angelu. Sigurado, isasama pa rin nito ang anak na si Rafa dahil nag-i-enjoy ang bagets sa taping sa probinsya.

David inaliw ang press people

Takot palang talaga ang child actor na si David Remo kay Direk Maryo J. delos Reyes, director ng Niño dahil nang kinakausap namin na kaharap ang director, ayaw magsalita. Nang tumayo si Direk, saka lang sinagot ang tanong ng press.

Pero enjoy siya sa taping dahil mabait ang lahat sa kanya at friend niya si Miguel Tanfelix dahil nakikipaglaro sa kanya. Crush naman niya si Sandy Talag, gumaganap na kontrabida sa Niño at nang tanungin kung paglaki niya ay liligawan si Sandy, ang sagot ay lola na ito paglaki niya. Hahaha!

 

vuukle comment

AKTRES

ANGELU

CHITO RO

DAHIL

DAVID REMO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with