^

PSN Showbiz

Sen. Bong at Janet Napoles nag-isnaban nang magpang-abot sa Sandiganbayan; Isabelle at Jasmine pagsasabayin ni Paulo

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Nagpang-abot kahapon sina Senator Bong Revilla, Jr. at Janet Napoles sa kanilang arraignment hearing sa Sandiganbayan pero hindi nila tiningnan ang isa’t isa.

Si Napoles ang mastermind ng pork barrel scam.

SCENE: Naka-focus ang atensyon ng mga basher kay Jolo Estrada, ang anak ni Senator Jinggoy Estrada na introducing sa pelikula ng kanyang ama na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan dahil inabutan ng pork barrel scandal.

SEEN: Si Lito Pimentel at ang kanyang young girlfriend sa isang restaurant sa Roxas Boulevard noong Miyerkules ng madaling-araw.

SCENE: Balik-trabaho sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes noong Miyerkules kahit may mga jetlag sila.

Nag-taping si Dingdong para sa Ang Dalawang Mrs. Real at si Ogie bilang host ng Let’s Ask Pilipinas ng TV5.

SEEN: Ang plano ni Marlene Aguilar na idemanda ng slander ang dalawang entertainment writer dahil sa diumano’y pambabastos sa kanya sa taping ng Face the People ng TV5 noong Lunes.

Si Marlene ang palaban na kapatid ni Freddie Aguilar.

SCENE: Sina Isabelle Daza at Jasmine Curtis Smith ang leading ladies ni Paulo Avelino sa bagong pelikula ng aktor sa Regal Entertainment Inc.

SEEN: Hindi pabor si Michael V. sa desisyon na ilipat sa araw ng Sabado ang telecast ng Pepito Manaloto, ang top rating sitcom niya sa GMA 7.

SCENE: Last night ngayon sa telebisyon ng Kambal Sirena. May oras na si Louise delos Reyes upang magpapayat.

 

vuukle comment

ASK PILIPINAS

DINGDONG DANTES

FACE THE PEOPLE

FREDDIE AGUILAR

JANET NAPOLES

JASMINE CURTIS SMITH

JOLO ESTRADA

KAMBAL SIRENA

MARLENE AGUILAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with