^

PSN Showbiz

Ogie hindi na namimili ng trabaho

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyan palang nasa Indonesia ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez with their only son Nate. Susunod sa kanila doon ang dalawang anak ni Ogie na sina Leila at Sarah na nakabase sa Australia kasama ang nanay nito at ex wife ni Ogie na si Michelle at husband nito nga­yong si Mark.

Ten days silang tatagal doon at hoping siya na makakabuo sila ni Regine ng kasunod ni Nate na 2 ½ pa lang pero nakakabasa na.

Pero bago siya umalis ay tuhog naman ang ginawa niyang taping para sa bago niyang programa sa TV5, ang Let’s Ask Pilipinas. Pinalitan niya si Aga Muhlach bilang host ng programa.

So nagpaalam ba siya kay Aga?

Sagot ni Mr. Songwriter, ipinaubaya na niya ‘yun sa TV5.

“Sinunod ko lang ang binigay nila sa aking trabaho. Noon ko pa ito pinanonood at masaya ang show,” sabi niya sa taping kahapon.

Ito bale ang kapalit sa natapos niyang programang Confessions of a Torpe na para sa kanya ay kakaiba dahil hindi siya magpapatawa, magho-host naman siya.

Katuwiran kasi ni Ogie hindi na siya namimili ng trabaho lalo na sa edad niya ngayon.

May kaunting changes sa format ng Let’s Ask Pilipinas. Hindi lang siya basta magho-host dahil may part na kakantahan niya ang audience.

Anyway, kakarating lang nilang mag-anak galing ng Amerika kung saan naging part sila ni Regine ng Freedom Concert Tour pero agad siyang sumabak sa taping ng kanyang bagong show sa TV5.

Angel tuluy na tuloy na sa Darna

Kumpirmado na si Angel Locsin ang magbibida sa bagong version ng pelikulang Darna.

Mismong Star Cinema na ang nag-announce kahapon. Nauna nang nag-Darna si Angel sa GMA 7 bago siya napunta sa ABS-CBN.

Pero wala pang binanggit ang Star Cinema kung sinu-sinong makakasama ni Angel sa bagong version ng Darna. Si Erik Matti ang magdi-direk ng pelikula.

Sarah-John Lloyd sure na ang balikan

Ang fabulous ng presentation ng Miss Manila 2014 last Tuesday night na ginanap sa PICC.  Bukod sa ang gaganda ng mga naging contestant at deserving ang hitsura ng mga nanalo, nagpagarbo sa presentation ang pagkanta ni Sarah Geronimo ng tribute sa Maynila. Kaya lang nagkaroon ng technical problem. Mali ang nailagay na CD. Ang tagal nang ipinag-antay ni Sarah sa stage eh hindi siya makagalaw dahil sa suot niyang gown na high tech na parang screen. Ang bongga-bongga ng gown na gawa pala ni Rajo Laurel pero nilagyan ng special effects na isinusuot sa mga special number sa Grammy awards. Ipinakita habang kumakanta si Sarah ang mga ipinagmamalaki ng Maynila.

Anyway, may playdate na pala ang gagawing movie nina Sarah and John Lloyd Cruz. Yup, balik pelikula raw ang  tambalan ng dalawa na continuation ng character ni Laila Magtalas and Miggy.

Malamang daw na sa November ito ipalabas ayon sa isang nakausap ko.

Aljur mas nakilala na ang sarili

Ngayong Biyernes (Hunyo 27), mapapanood sa huling pagkakataon ang mga minahal na karakter ng sirena-serye ng Kapuso network na Kambal Sirena. Habang inaabangan ng lahat ang kahihinatnan ng bawat karakter, inihayag ng Kapuso artists na sina Aljur Abrenica, Mike Tan, at Louise Delos Reyes ang kanilang kasiyahan sa mainit na pagtanggap ng mga manonood.

Sa isang panayam kay Aljur sinabi nito na lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik sa Kambal Sirena, â€œNagpapasalamat  ako sa lahat ng sumuporta lalo na sa mga nagmahal sa karakter ko bilang Kevin. Despite the challenges na hinarap namin sa Kambal Sirena, it’s all worth it dahil marami akong natutunan lalo na kay Direk [Dondon Santos]. Aside from diving experiences, mas nakilala ko ang sarili ko sa Kambal Sirena.”

Nang tanungin naman si Mike kung ano ang isa sa mga hindi niya malilimutang eksena, ito ang kanyang naging sagot, “Siguro yung father-son relationship namin  ni Mr. Archie Adamos (playing the role of Ramon, father of Jun). Para sa akin masyado siyang personal, aside from the fact na ang galing ni Tito Archie umarte. Nakakadala siya.”

Bukod sa oportunidad na makatrabaho ang ilang batikang aktor, hindi rin makakalimutan ni Louise ang bonding sa set ng Kambal Sirena, “’Yung samahan at bonding namin wala talagang makakapantay mula sa mga staff, crew, hanggang sa co-artists. Solid! I’ll definitely cherish everything.

“Marami akong natutunan sa Kambal Sirena, mula sa mga acting experiences ng mga naggagalingan naming artista hanggang sa mga lessons in life, in decision-making and facing the pressure in showbiz,” dagdag pa ng aktres.

Sa  finale episode, dadal­hin na sana sa ibang bansa si Alona nang biglang magpakita ang kanyang lola na si Arowana (Angelika Dela Cruz). Bagama’t mababaril si Jun  (Mike) habang itinatakas si Alona, mananaig pa rin ang kapangyarihan ni Reyna Arowana. Sa pagkakataong ito ay muling magkakasama-sama ang buong pamilya.

Matutuloy naman sa kasalan ang pag-iibigan nina Kevin (Aljur Abrenica) at Pearl. Samantala, ganito rin kaya ang kapalaran nina Jun at Alona? Tanggapin kaya ni Alona ang alok na kasal ni Jun o piliin na lamang niyang mamuhay sa Sirenadia?

Abangan ang pagtatapos ng kwento ng tunay na pag-ibig at kaligayan sa Kambal Sirena  pagkatapos ng Niño sa GMA Telebabad. 

                                                           

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALONA

ASK PILIPINAS

DARNA

KAMBAL SIRENA

OGIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with