^

PSN Showbiz

Bong nagpipilit gawing normal ang buhay; Nora galit na galit kay Coco

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa gitna ng umiinit na usapin sa pork barrel scam, tuloy pa rin ang Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla.

Kailangan niyang maging normal ang trabaho dahil patuloy pa rin siyang sinusubaybayan ng mga manonood lalo na ng mga estudyante.           

Sa Linggo ay nasa part 2 na ng Weapons of the Wild episode Masters of Disguise.

PAK: Magri-resume raw ngayong araw ang hearing nina Raymart Santiago at Claudine Barretto.

May panibagong kaso pang isinampa laban kay Claudine kaya inaasahang dadalo ito dahil nung November pa raw siya dapat dumalo sa ipinapatawag na pagdinig.

Dapat ding dumalo si Raymart dahil ipinapatawag din daw ng korte ang dalawang anak nila, dahil kailangan sila sa Child custody case na patuloy pa ring dinidinig.

As of presstime, hindi pa rin kinukumpirma sa amin ni Atty. Ferdie Topacio kung siya pa rin ba ang abogado ni Claudine.

BOOM: Totoo kayang may hidwaan ngayon sina Nora Aunor at Coco Martin?

Nagkasama ang dalawa sa isang indie film na Padre de Familia na si Coco ang isa sa mga producers.

May lumabas daw sa isang diyaryo na kung saan nagsalita raw si Coco na nauubos na raw ang pera niya sa kababayad sa mga gastusin ni Nora, kasama na roon ang renta ng bahay.

Nagulat ang Superstar nang nakarating ito sa kanya, dahil hindi naman daw ito totoo ayon sa kanya.

Kinu-contact daw ni Nora si Coco, pero hindi raw sinasagot ng aktor ang mga text at tawag niya.

Inaasahan ng mga taong involved sa proyektong ito na magkausap silang dalawa para maayos kung meron ngang problema.

                                                        

 

vuukle comment

AMAZING STORIES

BONG REVILLA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

COCO MARTIN

FERDIE TOPACIO

MASTERS OF DISGUISE

NORA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with