^

PSN Showbiz

Kris may anemia!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng maselan niyang kalusugan na ayon sa mga doktor  na tu­mi­ngin sa kanya sa pinagdal­han sa kanyang os­­pital nung makaramdam siya ng matin­ding pagkahilo ha­bang nagti-taping sa In­tramuros para sa kanyang programang Kris TV, naga­wa pa rin ni Kris Aquino na idaan sa biro ang tanong sa kanya ng doctor na, “Are you pregnant?” Sinabi nito na bagaman at nabigla siya sa ta­nong, nakuha niyang sagutin ang tanong ng  “Hindi. Wala ako ginagawang anuman na maari kong ikabuntis?”

Her physical examination resulted in Kris being told that she is suffering from anemia o mababang bilang ng kanyang pulang dugo na hindi niya ikinabigla dahil matagal nang na-diagnose ito na sakit niya pero ngayon lang siya dinala nito sa ospital. “Pinakamainit na bahagi ng araw ang mga oras mula alas-dos hanggang alas-kuwatro ng hapon kaya kung wala lang kayong gagawin dapat manatili na lamang sa loob ng bahay.

Ako, kailangang magtrabaho kaya na-expose ako nang husto sa init ng araw na siyang dahilan ng aking labis na pagkahilo. Since, hindi naman pwedeng maiwasan ito kung kaya napagpasyahan na lamang ng aking staff na sa umaga na lamang kami mag-taping, para bago mag-alas dose ng tanghali ay tapos na ang trabaho ko para sa show,” anang TV host na ayaw nang dagdagan pa ang napakaraming intriga at kontrobersya na kanyamg kinakaharap ngayon na may kinalaman sa kanyang lovelife.

Pagli-link kina Carla at Tom swak na pang-promo

Magandang promo ng unang pelikula na pinagsasamahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang So It’s You ng Regal ang isyu na nagkakamabutihan sila. Wala namang agawan na maibibintang kay Tom dahil bago pa sila nagsama sa trabaho ni Carla ay on the rocks na ang re­lasyon nila ni Geoff Eigenmann. Hin­di lamang ito ipinagmakaingay at itinago ng dalaga at inamin lamang nito kamakailan  sa TV.

Nagsimula ang magandang pag­titinginan ng da­la­wa nang magsama sila sa My Husband’s Lover at  lumawig pa nang magkaro’n sila ng mga post-MHL tour dito at sa abroad.

Away nina Vice at Billy hindi naramdaman

Mabuti naman at hindi nagtagal ang away sa pagitan nina Vice Ganda at Billy Crawford. Kundi baka maapektuhan na naman ang programa nilang It’s Showtime na inabot ng sunud-sunod na indul­to tulad nang  pagkawala ni Vhong Navarro nang ma­sangkot ito sa isang kaso na humantong sa pam­bubugbog sa kanya, ang naging pag-aaway nina Vice at Karylle, ang pagkawala ni Anne Curtis dahil sa Dyesebel,  at ang pagkawala ni Karylle nang mag-asawa ito at mag-honeymoon. Mabuti na lang at agad nakabangon ang show.

Nagbati agad sina Vice at Karylle, si Anne nakikita  na sa show, nakabalik na rin sina Karylle at Vhong. Okay na rin sina Vice at Billy na kung hindi pa nagbati ay hindi malalaman ng lahat ay nagkatampuhan pala. “Simpleng tampuhan lamang na nangyayari sa kahit sinong magkaibigan. Huwag na nating palakihin pa. Okay na naman kami,” pakiusap ni Billy sa mga nagtatanong sa kanya ukol dito.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF EIGENMANN

KARYLLE

NANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with