^

PSN Showbiz

Zsa Zsa libreng-libreng magmartsa sa simbahan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukha namang papunta sa kasalan ang relasyon nina Zsa Zsa Padilla at arkitektong si Conrad Onglao. Si Megastar Sharon Cuneta  ang nagsisilbing kupido ng dalawa. Annulled na ang kasal ng arkitekto sa kanyang asawang interior designer. 

May dalawa silang anak, dalaga pa naman si Zsa Zsa na hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapakasalan ni Dolphy hanggang sa kamatayan nito. Pero sa kanyang bagong karelasyon, libre na ang  Divine Diva na maiharap nito sa altar. 

Vhong tapos na

 

ANG ‘paghihirap’

Kita mo nga, dahil hindi niya binigyan halaga ang pagiging second choice kay Angel Locsin sa Da Possessed, ini-enjoy ni Solenn Heussaff at tinatanggap ang credits bilang bidang babae sa isang pelikula na hindi siya sigurado sa kahihinatnan sa takilya dahil nga sa kasong kinasasangkutan ng bida rito na si Vhong Navarro.

Wala pala siyang dapat ipag-alala dahil muli ay tinanggap ng manonood ang  komedyante na hinangaan ng lahat niyang kasamahan sa pelikula dahil sa kanyang professionalism. Nagawa nito ang lahat niyang eksena sa pelikula na parang wala siyang pinagdaraanan at ni minsan ay hindi naging hadlang ang kasong kinasasangkutan niya para makaapekto sa trabaho niya.

Ngayon ay mas umiinit ang isyu kay Vhong dahil wanted na sa batas ang mga nambugbog sa kanya. Ipina-aaresto na sila.

 

Coco nakipagsabayan sa kakikayan ni Sarah

Si Sarah Geronimo pala ang kailangang magdala kay Coco Martin sa kanilang pelikula na u­nang pagtatambalan, ang Maybe This Time. Comedy kasi ang movie na siyang forte ni Sarah at mas madali kung si Coco ang maga-adjust sa comedy kaysa si Sarah sa drama. Kinakailangang matu­tong  mag-loosen up ng drama aktor para makaagapay sa kanyang leading lady.  Hindi naman ito mahirap gawin dahil madali namang pakibagayan si  Sarah na nagi-effort din na masanay sa bagong kapareha. I-wish na lang natin na tulad ni John Lloyd Cruz kay Sarah ay magkaroon din sila ng magandang chemistry para hindi mahirap papaniwalain ang manonood ang tambalan nila.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

COCO MARTIN

CONRAD ONGLAO

DA POSSESSED

DIVINE DIVA

JOHN LLOYD CRUZ

MAYBE THIS TIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with