^

PSN Showbiz

May attitude: Aktor na second lead lang, nag-enjoy sa pagdating ng late sa taping!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Hindi naaaliw ang mga kasama sa soap ng aktor na ito dahil unprofessional. Laging late kung mag-report  sa taping at minsan, dumating ito ng four hours late. Ang nakakaloka pa, pagdating sa set, hindi rea­dy, doon na sa set binabasa ang script ng ilang minutes at minsan, inaabot ito ng oras para basahin at kabisaduhin ang kanyang mga dialogue.

Mabait lang ang director ng soap dahil hindi sinisigawan o pinagagalitan ang aktor, kaya siguro namimihasa. Ang mga kasama nito sa cast ang naaaburido sa aktor na kung bakit naman, nag-i-enjoy dumating ng late.

Mabuti kung siya ang pinakabida sa soap, puwede nang palampasin, pero kung second lead ka, aba’y mahiya ka naman sa mga bida na mas una pang dumating sa set, handa na, naka-make-up na at memoryado ang mga linya.

Hindi pa yata ipinararating sa manager ng aktor ang gawain nitong late mag-report sa taping. Pero kung pagkatapos ng soap niya ngayon ay matagalan o baka hindi na uli bigyan ng project ang aktor, ‘wag na siyang magulat.

Iza inilalakad ang kapatid sa gagawing album

Pinaplano ang paggawa ng album ni Iza Calzado under Star Records at malaki ang chance na matuloy ito. Binanggit ni Noel Ferrer, manager ng aktres ang songs na isasama ni Iza sa kanyang album kapag natuloy siyang mag-record.

Ilan sa songs na binanggit ni Noel ay ang Ligaw Tingin na original ni Leah Navarro, Dahan-Dahan na original ni Viktoria, Everyday na pinasikat ni Agot Isidro, at Lagi na Lang na hopefully, maging duet nina Iza at Piolo Pascual.

Kapag natuloy mag-guest ni Piolo sa album ni Iza, puwedeng gamitin ng ABS-CBN sa Lagi Na Lang sa Hawak Kamay, ang soap na kanilang pagtatambalan sa network kasama ang sikat na childstars.

Akala nga namin nag-start nang mag-record ng album si Iza dahil may nakita kaming picture nito na nagre-recording at kasama sina director Rowell Santiago at Myke Salomon. Iyon pala’y gagamitin sa isang show sa Ayala Center ang ni-record na song ng aktres.

Ang request lang daw ni Iza, makasama sa album ang kapatid niyang lalake na isang rapper. Kung tama kami, nagka-album na ang brother ni Iza, kaya sanay na ito sa recording at siguro naman, pagbibigyan siya ng Star Cinema.

LJ nagpapasalamat na makakasama si Dennis

Malaki ang pasasalamat ni LJ Reyes kay director Mike Tuviera dahil siya ang napili ng director na ipareha kay Dennis Trillo sa The Janitor, entry ni Direk Mike sa New Breed category ng 2014 Ci­nemalaya.

Third Cinemalaya movie na ito ni LJ dahil una niyang ginawa ang The Leaving, kung saan, nanalo siyang Best Supporting Actress sa Cinemalaya. Sinundan ito ng Intoy Syokoy, kung saan, muli siyang nagpakita ng husay sa pag-arte.

Asawa ni Dennis ang role ni LJ sa The Janitor na isang action-drama sa script ni Aloy Adlawan. Nakakatuwa dahil hindi pa man nagsisimula ang taping, may friends na si LJ na gustong dumalaw sa taping dahil kay Dennis.  

Geoff may pasabog sa nangyari sa kanila ni Carla

Bago nag-Holy Week, nabalitang aalis ng bansa si Geoff Eigenmann, pupunta raw ito ng Amerika. May kaibigan itong itinanggi ang balita, pero noong Holy Tuesday, lumipad nga si Geoff for Las Vegas at kasama nito ang inang si director Gina Alajar para dalawin ang anak nitong si AJ Eigenmann.

May kasunod na balita itong pag-alis ni Geoff, pero hindi namin isinulat bilang respeto sa break-up nila ni Carla Abellana. Siguradong gaya ni Carla, hindi pa rin ito nakaka-move on, kaya ‘wag muna nating biruin.

Sa right time namin isusulat ang kasunod na balitang pagpunta ni Geoff sa Las Vegas at by that time, pati ang aktor matatawa ‘pag nakarating sa kanya ang tsika.

As of today, hindi pa rin ito nagsasalita sa paghihiwalay nila ni Carla at hinayaang ang ex-GF ang magsalita para sa kanilang dalawa.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALBUM

CARLA

GEOFF

IZA

KUNG

LAS VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with