^

PSN Showbiz

Jake at Bea away nang away!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Mukhang hindi na maganda ‘yung madalas na pag-aaway nina Jake Vargas at Bea Binene. Hindi mo naman sila masisi kasi mga bata pa kaya hindi pa kontrolado ang emosyon nila.

Madalas nga ang pangaral ko kay Jake na dahil siya ang nakatatanda, eh siya na ang magpasensya. Ewan ko ba sa dalawang ito, sana lang matututunan nilang intindihin ang isa’t isa at huwag pairalin ang selos, para magtagal pa ang relasyon nila.

Ako naman ay hanggang sa pangaral lang, sila pa rin ang masusunod sa anumang kagustuhan nila.

Andi naka-move on na kay Jake

Mukha namang madadali ang healing period ni Andi Eigenmann from Jake Ejercito ngayon naririyan na si Tom Taus para matulungan siyang maka-move on.  Marami ang nakapanuod kay Tom sa isa niyang interview at humanga sila sa kababaang loob nito. Sabi nito friends sila ni Andi, matagal na, nung mga bata pa sila. Pero  ‘di ba ang pinakamatagumpay na pag-iibigan ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan? At least, may shoulder na maiiyakan ngayon si Andi.

Alice nanay na nanay na

Kahit hindi pa naman katandaan si Alice Dixzon ay pumayag na itong mag-nanay kay Sarah Lahbati sa isang serye ng TV5. Iba ang nagkakaroon ng reaksyon dito at hindi si Alice. Paano wala naman itong insecurity sa kanyang sarili. At artista siya, kahit anong role ay gagampanan niya.

vuukle comment

ALICE DIXZON

ANDI

ANDI EIGENMANN

BEA BINENE

EWAN

JAKE EJERCITO

JAKE VARGAS

KAHIT

SARAH LAHBATI

TOM TAUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with