^

PSN Showbiz

Pacman ipinag-shopping ang mga alalay sa Amerika; Mommy D. ipinagmamalaking sumikat sa ‘kulam’!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Happy Easter to all! Back to work ako ngayon dahil live na mapapanood ang Startalk.

Hitsurang Good Friday, nagpunta ang Startalk staff sa NAIA Centennial 2 dahil sinalubong nila ang pagdating ni Congressman Manny Pacquiao. Kasabay ni Papa Manny sa arrival nito ang kanyang madir na si Dionisia Pacquiao at si Papa Chavit Singson.

Mapapanood ngayong hapon sa Startalk ang arrival statement ni Papa Manny at ang mga nakakaloka na kuwento ni Mommy D. May report din ang Startalk tungkol sa mga warrant of arrest laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at ibang mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Nag-post na si Deniece ng piyansa para sa kanyang temporary liberty pero missing in action pa rin si Cedric. Nasaan na kaya siya?

International celebrity na talaga si Papa Manny  dahil pati ang shopping spree niya sa Amerika, ibinabalita ng mga entertainment reporter sa U.S. of A.

Kumpleto ang detalye ng mga tsismosong Amerikano tungkol sa US$20,000 na ginastos ni Papa Manny sa mga pinamili ng kanyang mga kasama sa isang sosyal na department store sa Amerika.

Almost P1 million pesos ang katumbas ng  US$20,000 at baryang-barya ito sa kinita ni Papa Manny sa laban nila ni Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas.

Likas na generous si Papa Manny kaya tiyak na tuwang-tuwa ang kanyang entourage sa hindi nila inaasahan na treat sa kanila ng Pambansang Kamao.

Naririto na sa Pilipinas si Papa Manny. Bumalik siya sa bansa noong Good Friday at kasama niya sa biyahe ang kanyang karakter na madir na si Dionisia Pacquiao. Na-confirm na pangarap din ni Mommy D. na ma­ging international celebrity.

Hindi matapus-tapos ang kuwento ni Mommy D tungkol sa atensyon na ibinigay sa kanya ng international press. Sikat na sikat na raw siya sa buong mundo dahil sa maling akala na kinulam niya si Bradley habang nakikipag-umbagan ito kay Papa Manny sa MGM Grand Arena noong April 12.

Tita ni Mark namimiligro ang buhay sa kagat ng aso

Nakalulungkot at nakababahala ang nangyari sa tiya ni Mark Bautista na nakagat ng tuta, tatlong linggo na ang nakararaan.

Ang kuwento ni Mark, nakagat ng tuta ang kanyang Tita. Namatay daw ang aso pero hindi pinansin ng tita niya ang kagat.

Three weeks later, nakakaramdam na ng kakaiba ang tita ni Mark sa puso, lungs, at utak. May pagkakataon na nagigising siya at walang nakikita kapag nagmumulat ng mga mata.

Kinakabahan at nakakaramdam ng takot si Mark at ang kanyang pamilya. May duda sila na baka nagkaroon ng rabies ang kanyang tita na bunga ng kagat ng aso na namatay. Ipinagdarasal nila na may mangyari na himala para gumaling ang tita niya.

Aral sa lahat ang nangyari sa tiya ni Mark. Huwag na huwag ipagwalang-bahala ang mga kagat ng aso o ng ibang hayop. Kapag nakagat, pumunta kaagad sa doktor at magpaturok ng anti-rabies. Obserbahan din ang ugali ng mga hayop na nakakagat at kung namatay ang aso, mas lalong dapat kumunsulta sa doktor.

Thirty-plus ang bilang ng pet dogs ko pero lahat sila, may rabies vaccine. Mabuti na ang nakasisiguro dahil kahit pet dogs ko sila, puwedeng may rabies sila.

Sinabi naman ni Mark na nagpaturok ng anti-rabies vaccine ang kanyang tita  pero  nagpa-inject lang ito nang may nararamdaman na siya.

vuukle comment

AMERIKA

DIONISIA PACQUIAO

KANYANG

MANNY

MOMMY D

PAPA

PAPA MANNY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with