^

PSN Showbiz

Robin nagdiriwang nang mahiwalay si Kylie kay Aljur

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang may competition sina Kylie Padilla at Louise delos Reyes sa pagandahan nang pagpo-post ng cryptic messages sa kani-kanyang Instagram (IG). Sana nababasa pareho nina Aljur Abrenica at Enzo Pineda, pero kung totong in-unfollow na ni Aljur si Kylie, hindi na niya mababasa ang posts nito.

Anyway, nag-react si Robin Padilla sa posted cryptic message ni Kylie na “When a thing disturbs (the peace of) your heart, Give it up.” Sabi nito “I’m happiest man alive because you are with GOD my @kylienicolepadilla you are with your mother, sisters, and Ali.”

Wala sa bansa si Robin, kaya hindi ma-interview tungkol sa nangyayari kina Kylie at Aljur. Wala pa itong reaction sa kanyang IG na hinihintay ng lahat. Ano kaya ang sasabihin ni Robin, may dapat kayang ikatakot si Aljur?

Paulit-ulit ang paghingi ng tawad sa Diyos

Ang Panalangin ng APT Entertainment ang tampok sa Black Saturday Lenten Special na tampok si Marian Rivera at kasama sina Angeli Nicole Sanoy, Luis Alandy, Yayo Aguila, Toby Alejar, Mona Louise, Rey, at Chanda Romero sa direction ni Mike Tuviera at mapapanood, 7:30 p.m. - 9:30 p.m.

Kuwento ni Marian nang makausap namin sa taping ng Carmela, marami siyang crying scene sa Panalangin, at pati mga eksena nila ni Angeli Nicole ay tutulo ang luha ng viewers.

May eksena si Marian na kinukuwestiyon ang Diyos sa nangyari sa pamilya niya, sinusumbatan at sinisigawan niya ito. After ng eksena, lumuhod siya sa simbahan at paulit-ulit na nagso-sorry kay Lord. Ginawa lang daw niya kung ano ang nasa script at sinunod lang si direk Mike, pero hindi niya magagawang magalit at sumba­tan ang Diyos.

Sabi pa ni Marian, sa rami ng blessings na dumara­ting sa kanya, wala siyang karapatang magalit at kuwestiyunin ang Diyos.

Carla nagsisinungaling sa awayan nila ni Geoff

Sa interview sa kanya sa Startalk, hindi isinasara ni Carla Abellana ang chance na magkabalikan sila ni Geoff Eigenmann. Ang Diyos daw ang nakakaalam at sabi nito, wala siyang galit kay Geoff o kaninuman.

Nagtataka lang ang fans nina Carla at Geoff sa sinabi ng una na mas hindi sila nagkakaintindihan ni Geoff at nagka-clash sila. Kabaligtaran daw ito sa pahayag ng aktor sa isang interview na for one or two years ng relasyon nila ni Carla, hindi sila nag-aaway. Nalito ang fans kung sino ang paniniwalaan sa dalawa at kung sino ang nagsasabi ng totoo.  

Hiling nilang magpa-interview na rin si Geoff na malabong gawin nito dahil siya ang tipo ng tao na hangga’t maaari, ayaw pag-usapan ang kanyang love life.

Umaasa ang fans ng dalawa na pang-promo lang ng So, It’s You ang break-up nina Carla at Geoff na malabo dahil hindi papayag ang ex-couple at si Tom Rodriguez na ganu’n ang maging slant ng promo ng Regal Entertainment movie na showing sa May 7.

Lovi at Rocco nasulit ang pagso-solo

Sinusulit nina Lovi Poe at Rocco Nacino ang bakasyon nila sa Europe dahil pagbalik nila sa Pilipinas, sasabak na sila sa trabaho. Last Monday, nasa United Kingdom na ang dalawa at doon nila imi-meet ang sister ni Lovi at sa France naman nila makakasama si Leo Domin­guez, manager ni Lovi.

For sure, nakilala na nang husto nina Lovi at Rocco ang isa’t isa sa ilang araw na silang dalawa lang ang magkasama. Siguro naman pagbalik nila, pasasayahin nila ang kanilang fans kung aaminin na ang tunay nilang relasyon.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG DIYOS

ANG PANALANGIN

CARLA

DIYOS

GEOFF

LOVI

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with